Thursday, September 3, 2026

Ano ang Ating Pananagutan sa Isat-isa



What Do We Owe Each Other?

Additional Scriptures : Exodus 12:1-14; Psalm 149; Matthew 18:15–20

Romans 13:8-14

ILOCANO

8Awan koma ti utangyo malaksid ti panagiinnayatyo. Ti agayat iti padana a tao, natungpalnan ti Linteg. 9Ta dagiti bilin: “Dika makikamalala, dika mamapatay, dika agtakaw, dika agagum”—amin dagitoy ken dadduma pay, madagupda iti daytoy maymaysa a bilin: “Ayatem ti padam a tao a kas iti bagim.” 10Ti agayat iti padana a tao, ni kaano man dina aramiden ti dakes kenkuana. Ngarud, ti panagayat iti pada a tao isu ti panagtungpal iti entero a Linteg.

11Masapul nga aramidenyo daytoy ta ammoyo a panawenen tapno agriingkayo. Ta as-asidegen ti pannakaisalakantayo ngem idi damotayo ti mamati. 12Lumabasen ti rabii ket bumigaten. Iwaksitayo dagiti aramid ti sipnget ket ikawestayo dagiti igam ti lawag. 13Agbiagtayo a natakneng, kas tattao nga adda iti lawag. Awan ti nalabes a panagragragsak ken panagbarbartek, awan ti kinaderrep ken naalas nga aramid, ket awan ti ap-apa ken im-imon. 14Ikawesyo ketdi ni Apo Jesu-Cristo a kas armasyo ket isardengyon a pagustoan ti dakes a tarigagay dagiti bagbagiyo.

FILIPINO

8Huwag kayong mananatiling may pagkakautang kaninuman, maliban sa utang ng pagmamahalan. Sapagkat ang nagmamahal sa kapwa ay tumutupad sa Kautusan. 9Ang mga kautusang, “Huwag kang mangangalunya, huwag kang papatay, huwag kang magnanakaw, huwag kang maging sakim” at ang mga iba pa ay napapaloob sa iisang kautusan: “Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili.” 10Ang taong nagmamahal ay hindi gumagawa ng masama sa kanyang kapwa. Kaya kung nagmamahalan tayo, tinutupad natin ang buong Kautusan.

11Dapat ninyong gawin ito dahil alam ninyong panahon na para gumising kayo. Sapagkat mas malapit na ngayon ang oras ng ating kaligtasan kaysa noong una, nang tayoʼy sumampalataya kay Hesu-Kristo. 12Ngayoʼy madilim pa, ngunit malapit nang mag-umaga. Kaya itigil na natin ang mga ginagawa natin sa dilim at sa halip ay isuot natin ang sandata ng liwanag. 13Mamuhay tayo nang marangal dahil tayo ay nasa liwanag na. Huwag tayong makibahagi sa magugulong inuman at paglalasing, sa seksuwal na imoralidad, kalaswaan, sa pag-aaway, at sa inggitan. 14Sa halip, paghariin ninyo sa inyong buhay ang Panginoong Hesu-Kristo, at huwag ninyong pagbigyan ang inyong makamundong pagnanasa.

Pagtutuklas sa Banal na Kasulatan

Ang mga turo ni Pablo sa Roma 13-14 ay nanghihikayat sa mga mananampalataya na isabuhay ang ebanghelyo araw-araw. Dalawang pangunahing ideya ang pokus ng teksto natin ngayon:

  1. Ang pinakapundasyong utos na magmahalan, na siyang kabuuan ng buong kautusang Judio; at

 

  1. Ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay na nakasentro kay Kristo habang naghihintay sa Kanyang Muling Pagbabalik.

Pinaalalahanan ni Pablo ang mga taga-Roma na iwasan ang magkautang. Ang tanging utang lang na dapat nilang mayroon ay ang utang ng pagmamahal sa isa't isa. Noong unang panahon, ganito karaniwang binibigyang-kahulugan ng pag-ibig: ang paghahangad ng kabutihan para sa iba ang higit sa lahat. Kapag gusto mo ng mabuti para sa kapwa, may kasama itong responsibilidad na kumilos para mangyari iyon. Kaya naman, imposibleng magmahal nang hindi nagkakaroon ng utang o obligasyon ng pag-ibig.

Ilang siglo ring pinagtalunan ng mga rabbi at propeta kung alin ba talaga ang pinakadakilang utos. Iba't ibang sagot ang pinalabas batay sa mga talata tulad ng Mikas 6:8, Amos 5:24, at Levitico 19:2. Sa mga Ebanghelyo nina Mateo, Marcos, at Lucas, itinala ang sagot ni Jesus batay sa Deuteronomio 6:5: ang mahalin ang Diyos nang buong-buo ang pinakaunang utos. Ang pangalawa naman ay ang mahalin ang iyong kapwa tulad ng iyong sarili (Levitico 19:18). Bago pa man naisulat ang mga Ebanghelyo, natukoy na ni Pablo na ang pag-ibig ang katuparan ng kautusan—patunay na maagang naituro at nalaman ang aral ni Jesus tungkol sa pagmamahal.

Ang mga paalala ni Pablo sa Roma 13-14 ay nagsisilbing buod ng etika at pamantayan ng mga Kristiyano. Diretso magsalita si Pablo: ang pamumuhay sa pag-ibig ang pundasyon at nakatataas sa lahat ng iba pang utos, maging sa batas ng mga Judio o ng mga Kristiyano. "Ang pag-ibig ay hindi gumagawa ng masama sa kapwa; kaya ang pag-ibig ang katuparan ng kautusan" (t. 10). Bagamat patuloy na nagbibigay si Pablo ng mga payo at gabay sa tamang pag-uugali, ang lahat ng ito ay halimbawa lamang ng hindi paggawa ng masama habang tinutupad ang ating utang ng pag-ibig.

"Alam niyo kung anong oras na..." (t. 11). Naniniwala ang mga unang Kristiyano na babalik agad si Kristo, posibleng sa mismong kapanahunan pa nila. Kaya hinihikayat sila ni Pablo na maging handa at alerto (t. 12). Ang matuwid na pamumuhay ay nangangahulugan ng pagtalikod sa mga masasamang bisyo tulad ng paglalasing, pandaraya, imoralidad, pakikipag-away, at inggit. Tinawag niya ang mga ito na "mga gawain ng kadiliman" (t. 12) na ginagawa nang patago, at kapag kinakapitang maigi ay nakasisira ng mga relasyon. Ngunit "papasikat na ang araw at malapit na ang liwanag." Ang mga Kristiyano ay kabilang sa liwanag: tapat, bukas ang loob, nag-uumapaw sa pagmamahal at kabutihan, gising, at handa sa pagbabalik ni Kristo. Ang "kasuotan ng liwanag" (t. 12) at ang "pagsusuot sa Panginoong Hesukristo" (t. 14) ay iisa lang ang kahulugan. Pareho nitong tinutukoy ang pagsasabuhay ng mga Kristiyanong pagpapahalaga na kitang-kita ng lahat, na nagsisilbing proteksyon laban sa mga pagnanasa ng "laman" (t. 14). Dito, ang "laman" ay hindi lang tumutukoy sa pisikal na pagnanasa kundi sa lahat ng mababaw at makamundong tukso, na ang ilan ay binanggit sa talata 13. Tulad ng mga sundalong naghahanda sa laban, "isinusuot" ng mga mananampalataya si Hesukristo para labanan ang tukso at patatagin ang kanilang paninindigan. Pero ang hangarin ni Pablo ay higit pa sa pagsusuot ng maskara o kasuotan. Ang "pagsusuot sa Panginoong Hesukristo" ay disiplina ng puso na nagbabago at nagpapatatag sa komunidad para maisabuhay ang utos ng pag-ibig araw-araw.

Mga Pangunahing Ideya

  • Ang paghahangad ng mabuti sa buhay ng iba (ang magmahal) ay may kasamang tungkulin para kumilos at pagtrabahuan ang kabutihang iyon.
  • Ang pag-ibig ang pundasyon at ng lahat ng batas ng mga Judio at Kristiyano dahil ang pag-ibig ay hindi gumagawa ng masama.
  • Ang mga Kristiyano ay kabilang sa liwanag: bukas ang loob, tapat, nag-uumapaw sa pagmamahal, gising, at handa sa pagbabalik ni Kristo.
  • Ang pagsasabuhay ng buhay na nakasentro kay Kristo ay nagsisilbing proteksyon laban sa tukso ng mababaw at makasariling gawa.

Mga Tanong para sa Tagapagsalita

  1. Anong mga utang ng pagmamahal ang mayroon ka sa mga taong pinakamahalaga sa iyo? Paano mo tinutupad ang mga responsibilidad na iyon?
  2. Sang-ayon ka ba sa ideyang "ang pag-ibig ay hindi gumagawa ng masama"? May naiisip ka bang exemption o sitwasyon na hindi ito applicable? Ano nga ba ang gustong iparating ni Pablo?
  3. Paano ipinapakita ng inyong iglesya na kayo ay isang komunidad ng liwanag at hindi ng kadiliman?
  4. Paano mo pinakikitunguhan ang katotohanang ang pagiging bukas at marupok (vulnerable) ay maaari ding maging paraan ng proteksyon laban sa kasamaan ng mundo?

No comments:

Post a Comment

Ano ang Ating Pananagutan sa Isat-isa

What Do We Owe Each Other? Additional Scriptures : Exodus 12:1-14; Psalm 149; Matthew 18:15–20 Romans 13:8-14 ILOCANO 8 Awan koma ti u...