Genesis 45:1–15
Pag-explore sa Banal na Kasulatan
Ang babasahin natin ngayong araw ang pinaka-climax ng kwento
ni Jose—yung ibinenta ng sarili niyang mga kapatid para maging alipin. Ipaalala
natin sa kongregasyon ang background ng kwentong ito. Dahil sa inggit at galit,
dinukot si Jose ng mga kapatid niya at ibinenta. Dinala siya sa Ehipto, at doon
ay naging paborito siya ng Paraon. Sa katunayan, binigyan siya ng mataas na
posisyon—pangalawa mismo sa Paraon.Nagkaroon ng matinding taggutom sa buong
lupain. Para mabuhay, inutusan ng ama ni Jose ang mga kapatid niya na pumunta
sa Ehipto para bumili ng pagkain. Si Jose ang nakatoka sa pamamahagi ng pagkain
mula sa imbakan ng Paraon. Nang dumating ang mga kapatid niya, nakilala sila
agad ni Jose, pero hindi nila nakilala si Jose. Bago inihayag ni Jose kung sino
talaga siya at bago siya nagpatawad, minanipula niya muna ang mga kapatid niya.
Pinalabas niyang nagnakaw sila ng pera at ng pilak niyang tasa. Pinalabas din
niyang posibleng maging alipin si Benjamin sa Ehipto. Pagkatapos nito, doon na
inamin ni Jose ang totoo niyang pagkatao at ipinadama ang kanyang biyaya at
pagpapatawad sa kanila.Ang tunay na pagpapatawad ay hindi ginagawa sa
pamamagitan ng panlalamang, pagbabanta, o pagpapaluhod at pagpapasipsip sa
nagkasala. Ang mga ganitong paraan ay nagiging balakid lang para sa taos-pusong
pagpapatawad at pwedeng makasira sa tiwala ng magkabilang panig. Hindi tayo
ginigipit ng Diyos o pinagluluhod nang labag sa loob natin para lang patawarin.
Ipaalala sa kongregasyon ang prinsipyo ng Biyaya at Pagkabukas-palad (Grace and
Generosity)—kung paanong overflowing ang pagpapatawad at biyaya ng Diyos para
sa lahat.Nang patawarin ni Jose ang mga kapatid niya, hindi ito nakadepende sa
kung humingi sila ng tawad o hindi. Pwedeng talakayin ng tagapagsalita kung
paanong ang pagpapatawad ay pwedeng magsimula sa puso ng taong nasaktan—kahit
pa hindi humihingi ng dispensa ang nagkasala. Ang pagpapatawad kasi ay
nagbibigay ng recovery at recovery hindi lang sa pinatawad kundi lalo na sa
nagpatawad. Kung hihintayin mo pa silang humingi ng tawad bago ka magpatawad,
pinapatagal mo lang ang sarili mong sakit. Hamunin natin ang kongregasyon:
kailangan nga ba talagang may humingi muna ng tawad bago tayo magpatawad?Nung
nakapako si Hesus sa krus, ang mga taong nagpapatay sa kanya ay hindi naman
humihingi ng tawad. Pero ano ang sinabi ni Hesus? “Ama, patawarin mo sila;
sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa” (Lucas
23:34).Pinapatunayan ng kwentong ito na kahit ang pinakamahirap na pagsubok sa
buhay ay kayang baguhin ng Banal na Espiritu. Ang huling bahagi ng pagsulat ng
Genesis ay nabuo noong panahon ng pagkakabihag ng mga Israelita sa Babilonia
(Babylonian exile). Ang mga taong naroon ay nawalan na ng pag-asa at sobrang
dismayado. Sobrang katulad ng kwento nila ang nangyari kay Jose at sa pamilya
nito. Galit ang nagtaboy kay Jose sa malayo. Pagdating ng panahon, ang banta
naman ng gutom ang nagdala sa pamilya niya roon.Sa kabila ng lahat, kasama nila
ang Diyos, at may bagong buhay na sumibol sa gitna ng trahedya at hirap. Mahalagang
maunawaan ng mga nakikinig na hindi ang Diyos ang nag-udyok sa mga kapatid ni
Jose para magkasala, at hindi rin Siya ang nagpadala ng taggutom para lang
magbigay ng pagpapala. Sa halip, sa gitna ng sakit, kailangan nating makita ang
binhi ng pag-asa mula sa Diyos. Pwedeng magkaroon ng bagong simula at kalayaan.
Hamunin ang kongregasyon na mag-isip: sinu-sino o anong mga grupo sa komunidad
natin ang pakiramdam nila ay naiiwan o "nakabihag" pa rin, na
kailangang makarinig ng salita ng pag-asa at pagtanggap?
Mga Pangunahing Kaisipan (Central Ideas)
- Walang kapalit o kondisyon ang pagpapatawad.
- Hindi nagpapadala ang Diyos ng masasamang pangyayari para lang makuha ang gustong resulta; pero sa pamamagitan ng Kanyang pagmamahal at biyaya, may bagong pag-asa na pwedeng lumabas sa kahit anong sitwasyon.
- Tinawag tayo para maging tulay ng pagkakasundo at pagpapatawad (2 Corinto 5:16–20).
Mga Tanong para sa Tagapagsalita
- Bakit nga ba mahirap magpatawad ng kapwa?
- Paano ka magpapatawad kung ayaw naman humingi ng tawad nung nagkasala sa 'yo?
- Paano mararanasan ng inyong kongregasyon ang sama-samang pagpapatawad at pagkakasundo?
- Sa anong mga paraan pwedeng sinasabi na "nakabihag" o nalalayo ang ilang tao sa inyong komunidad ngayon?
No comments:
Post a Comment