Gawing Makalikhain Ang Pagtutol
Exodus 1:8-2:10
18Ngayon,
nagkaroon ng bagong hari ang Ehipto na hindi nakakakilala kay Jose. 9Sinabi
niya sa kanyang mga mamamayan, “Tingnan ninyo! Ang mga Israelita ay higit na
marami at malakas kaysa sa atin. 10Kaya kailangang tuso ang
pakikitungo natin sa kanila upang hindi na sila dumami pa. Kung magkaroon ng
digmaan, baka kumampi sila sa mga kaaway natin at lalabanan tayo upang makaalis
sila sa bansa natin.”
11Kaya inilagay sila sa ilalim ng mga
tagapangasiwa upang pahirapan sila at pagtrabahuhin nang mabigat. Ipinagawa sa
mga Israelita ang mga lungsod ng Pitom at Rameses upang magkaroon dito ng mga
bodega ang Faraon. 12Ngunit habang patuloy silang pinahihirapan,
lalo naman silang dumarami at kumakalat sa Ehipto. Kaya lalong natakot ang mga
taga-Ehipto sa mga Israelita. 13Dahil dito, walang awa nilang
pinagtrabaho ang mga ito. 14Naging mahirap ang buhay ng mga
Israelita dahil sa mabibigat nilang trabaho na paggawa ng tisa at pangsemento
nito, at ng ibaʼt ibang
gawain sa bukid. Sa mabibigat nilang gawain ay walang awa silang pinagtrabaho
ng mga Ehipsiyo.
15Pagkatapos, sinabi ng hari ng Ehipto sa mga
Hebreong kumadrona na sina Shifra at Pua, 16“Kung magpapaanak kayo
ng mga babaeng Hebreo, patayin ninyo kung lalaki ang anak, pero kung babae,
huwag nʼyo nang patayin.” 17Ngunit dahil may takot sa Diyos ang mga kumadrona,
hindi nila sinunod ang iniutos ng hari. Sa halip, hinahayaan nilang mabuhay ang
mga sanggol na lalaki.
18Kaya ipinatawag ng hari ng Ehipto ang mga
kumadrona at tinanong, “Bakit ninyo ito ginawa? Bakit hinahayaan ninyong
mabuhay ang mga sanggol na lalaki?”
19Sumagot sila, “Ang mga babaeng Hebreo ay hindi
tulad ng mga babaeng Ehipsiyo; madali silang manganak at bago pa po kami
dumating, nakapanganak na sila.”
20Kaya pinagpala ng Diyos ang mga kumadrona at
dumami pa nang dumami ang mga Israelita. 21At dahil sa iginagalang
ng mga kumadrona ang Diyos, binigyan sila ng Diyos ng sarili nilang pamilya.
22Nang bandang huli, nag-utos ang Faraon sa lahat
ng kanyang mamamayan, “Itapon ninyo sa Ilog Nilo ang lahat ng bagong panganak
na sanggol na lalaki ng mga Israelita, ngunit pabayaan ninyong mabuhay ang mga
batang babae.”
2 1May
isang tao mula sa lahi ni Levi na nakapag-asawa ng isang babae na galing din sa
lahi ni Levi. 2Hindi nagtagal, nagbuntis ang babae at nanganak ng
isang lalaki. Nang makita niyang malusog ang sanggol, itinago niya ito sa loob
ng tatlong buwan. 3Ngunit nang hindi na niya maitago ang sanggol,
kumuha siya ng basket na gawa sa halamang papyrus at pinahiran ng alkitran.
Pagkatapos, inilagay niya ang sanggol sa basket at pinalutang sa tubig sa tabi
ng matataas na damo sa pampang ng Ilog Nilo. 4Nakatayo naman sa
di-kalayuan ang kapatid na babae ng sanggol upang tingnan kung ano ang
mangyayari rito.
5Ngayon, lumusong ang anak na babae ng Faraon sa
Ilog Nilo upang maligo. Habang naliligo ang prinsesa, ang mga utusang babae
naman niya ay naglalakad-lakad sa pampang. Nakita ng prinsesa ang basket sa
matataas na damo kaya ipinakuha niya ito sa isa sa kanyang mga utusan. 6Binuksan
niya ang basket at nakita ang umiiyak na sanggol, kaya naawa siya rito. Sinabi
niya, “Isa ito sa mga sanggol ng mga Hebreo.”
7Pagkatapos, lumapit ang kapatid na babae ng
sanggol sa prinsesa at nagtanong, “Gusto nʼyo
po bang ikuha ko kayo ng isang babaeng Hebreo na magpapasuso at mag-aalaga sa
sanggol para sa inyo?”
8Sumagot ang prinsesa, “Sige.” Kaya umalis ang
kapatid ng sanggol at pinuntahan ang kanilang ina at dinala sa prinsesa. 9Sinabi
ng prinsesa sa ina ng bata, “Dalhin mo ang sanggol na ito at pasusuhin para sa
akin. Alagaan mo siya at babayaran kita.” Kaya kinuha niya ang sanggol at
inalagaan.
10Nang lumaki na ang sanggol, dinala siya ng
kanyang ina sa prinsesa at itinuring siya ng prinsesa bilang tunay niyang anak.
Pinangalanan ng prinsesa ang bata na Moises, dahil sinabi niya, “Kinuha ko siya
sa tubig.”
Pag-unawa sa Kasulatan
Nung nakatira ang mga Israelita sa Ehipto, talagang umunlad
sila. Pero nag-umpisa ang teksto natin ngayon sa balitang may bagong haring
umupo sa trono ng Ehipto. Nangamba ang Paraon sa dami ng mga Hebreo, kaya
gumawa siya ng mga malupit na hakbang:
- Inalipin
niya ang mga Israelita para magtrabaho sa mga konstruksyon
- Nag-utos
siya na patayin ang lahat ng sanggol na lalaking Hebreo
Sa kabila ng nakakahindik na kwentong ito, dalawang matapang
na komadrona ang tumangging pumatay ng mga bagong silang na sanggol. Ang
dahilan nila, sobrang lalakas daw ng mga babaeng Hebreo (di tulad ng mga
Ehipsyana) kaya nakakapanganak agad sila bago pa makarating ang mga komadrona.
Nung malaman ito ng Paraon, inutos niyang itapon sa Ilog Nile ang lahat ng
sanggol na lalaking Hebreo.
Isang babaeng Hebreo na nagngangalang Jochebad ang nagtago
sa sanggol niyang lalaki hangga't kaya niya (mga tatlong buwan din).
Pagkatapos, gumawa siya ng basket na hindi pinapasok ng tubig at pinalutang ang
sanggol sa Nile malapit sa anak na babae ng Paraon, habang binabantayan ng
nakatatandang kapatid nitong si Miriam. Nung iniligtas ng prinsesa ang bata
(kahit malamang alam niyang Hebreo ito), nagpresinta si Miriam na maghanap ng
magpapasusong Hebreo. Binalikan at binayaran pa ng prinsesa ang mismong ina ng
bata para alagaan ito. Pinangalanan ng prinsesa ang bata na Moises, na ang ibig
sabihin ay "hinalaw sa tubig."
Dahil sa kabutihan at awa ng prinsesa, lumaki si Moises sa
palasyo ng Ehipto habang inaalagaan ng sarili niyang ina. Ang kwento ngayon ay
puno ng mga matatapang at mapagkalingang kababaihan—mula sa mga komadrona, sa
ina at kapatid ni Moises, hanggang sa anak ng Paraon. Paulit-ulit na nabigo ang
Paraon, at ang nakakatawa pa, sa kamay mismo ng mga taong walang laban. Dito na
nag-umpisa ang mas malaking kwento ng Exodus—ang paglaban ng mga Israelita sa
pang-aapi at ang pagpapasimuno ng isa sa kanila para akayin sila palabas sa
pagkaalipin.
Habang lumalaki si Moises, ramdam natin ang katapatan ng
Diyos sa paghahanda para sagutin ang sigaw ng katarungan ng mga naaapi.
Kumikilos ang Diyos sa pamamagitan ng mga kaganapan at mga tao para palayain
ang mga Israelita laban sa isang makapangyarihang hari.
Sa panahon natin ngayon, marami pa ring pang-aapi—mula sa
mga bully sa paaralan hanggang sa diskriminasyon sa lahi at kasarian, agwat ng
mayayaman at mahihirap. Nagtitiwala tayo sa katapatan ng Diyos—at hindi sa mga
taong uhaw sa kapangyarihan—para akayin ang lahat tungo sa kalayaan at pag-asa.
Mga Pangunahing Kaisipan
- Tapat
ang Diyos sa Kanyang mga taga-sunod.
- Ang
mga may kapangyarihan ay nang-aapi dahil sa takot na mabawasan o mawala
ang kanilang kapangyarihan.
- Nabawasan
ang kapangyarihan ng Paraon dahil sa matapang na pagtutol at awa ng mga
kababaihan.
- Kumikilos
ang Diyos sa pamamagitan ng mga pangyayari at mga tao para maipatupad ang
katarungan.
Mga Tanong para sa Tagapagsalita
- Sa
ating kawalan ng pasensya, baka maitanong natin kung bakit inabot pa ng
maraming taon bago naihanda ang paglaya ng Israel. Ano ang pagkakaunawa mo
sa katapatan ng Diyos sa kwentong ito?
- May
kakilala ka bang babae o mga kababaihan na nagpakita ng tapang at
malasakit tulad ng mga nasa kwento?
- Anong
mga nakatutuwang balintuna (ironies) ang nakikita mo sa kwentong ito?
Halimbawa, inutos ng Paraon na itapon ang mga sanggol na lalaki sa Ilog
Nile—na siya ring ilog na ginamit ng ina ni Moises para maipaanod siya
papunta sa anak ng Paraon.
- Anong
mga gawi sa mundo ngayon ang nakikita mong katulad ng ginawa ng Paraon?
- Ano
ang magagawa natin para matigil ang pambubully, pang-aapi, at pangaalipusta?
- Paano
kaya kumikilos ang Diyos sa pamamagitan ng mga pangyayari at mga tao para
magdala ng katarungan ngayon?
No comments:
Post a Comment