Matthew 25:14-30
14“Ang Kaharian ng Langit ay maihahalintulad
sa kuwentong ito: May isang taong papunta sa malayong lugar. Kaya
tinawag niya ang kanyang mga alipin at ipinagkatiwala sa kanila ang kanyang
ari-arian. 15Binigyan niya ang bawat isa ayon sa kani-kanilang
kakayahang magnegosyo. Binigyan niya ang isa ng limang libong salaping ginto,
ang isa naman ay dalawang libong salaping ginto, at ang isa pa ay isang libong
salaping ginto. Pagkatapos ay umalis na siya. 16Ang alipin na
binigyan ng limang libo ay kaagad na umalis at ginamit sa negosyo ang pera. At
tumubo siya ng limang libo. 17Ganoon din ang ginawa ng alipin na
binigyan ng dalawang libo. At tumubo siya ng dalawang libo. 18Ngunit
ang alipin na binigyan ng isang libo ay humukay sa lupa at itinago roon ang
perang ibinigay ng kanyang panginoon.
19“Pagkalipas ng mahabang panahon, bumalik ang
amo nila at ipinatawag sila para magbalita tungkol sa perang ipinagkatiwala sa
kanila. 20Lumapit ang alipin na nakatanggap ng limang libo at sinabi,
‘Panginoon, heto po ang limang libo na ibinigay nʼyo sa akin, at ang karagdagang
limang libo na tinubo ko.’
21“Sumagot ang amo niya, ‘Magaling! Isa kang
mabuti at tapat na alipin! At dahil naging matapat ka sa kakaunting
ipinagkatiwala sa iyo, ipapamahala ko sa iyo ang mas malaki pang halaga. Halikaʼt makibahagi sa aking
kaligayahan!’
22“Pagkatapos, lumapit naman ang alipin na
binigyan ng dalawang libo at sinabi niya, ‘Panginoon, heto po ang dalawang
libo na ibinigay nʼyo sa
akin, at ang karagdagang dalawang libo na
tinubo ko.’
23“Sumagot ang kanyang amo: ‘Magaling! Isa kang
mabuti at tapat na alipin! At dahil naging matapat ka sa kakaunting
ipinagkatiwala sa iyo, ipapamahala ko sa iyo ang mas malaki pang halaga. Halikaʼt makibahagi rin sa aking
kaligayahan!’
24“Lumapit din ang alipin na binigyan ng isang
libo at sinabi sa kanyang amo, ‘Alam ko pong mabagsik kayo at walang awa.
Inaani ninyo ang hindi ninyo itinanim, at kinukuha ninyo ang pinaghirapan
ng iba. 25Natakot po ako kaya ibinaon ko ang pera nʼyo sa lupa. Heto po ang isang
libo na ibinigay nʼyo sa
akin.’
26“Sumagot ang kanyang amo, ‘Masamá at tamad na
alipin! Alam mo palang inaani ko ang hindi ko itinanim, at kinukuha ko
ang pinaghirapan ng iba. 27Bakit hindi mo na lang idineposito
sa bangko ang pera ko para sa pagbalik ko ay may makuha akong interes?’
28“ ‘Kunin ninyo sa kanya ang isang libo at ibigay sa mayroong sampung libo. 29Sapagkat ang mayroon ay
bibigyan pa ng mas marami, ngunit ang wala, kahit ang kaunting
nasa kanya ay kukunin pa. 30Itapon ninyo ang walang silbing alipin
na ʼyan sa labas, doon sa kadiliman kung saan siyaʼy
tatangis at magngangalit ang kanyang ngipin.’
Pag-Explore Sa Scripture
Nakasulat sa bahaging ito ang talinghaga tungkol sa mga
talento, na matatagpuan din sa Lucas 19. Madalas itong ipaliwanag bilang
kuwento tungkol sa maayos na stewardship o pangangalaga ng pera o kayamanan.
Sinusuportahan ng pagkakalagay nito sa Lucas ang ganoong interpretation. Pero
sa Matthew, mas malawak ang kahulugan nito—tungkol ito sa pagtitiwala sa Diyos,
kung paano natin tatalunin ang ating mga takot, at pag-take ng risks para
makatulong sa pagtatatag ng paghahari ng Diyos dito sa lupa. Sa Matthew, ito
ang pangatlo sa apat na kuwentong ibinahagi ni Jesus na nagbibigay ng insights
tungkol sa pagdating ng kaharian ng Diyos. Sa pamamagitan ng talinghagang ito, tinutulungan
ni Jesus ang mga tao na magtiwala sa mga nagawa na ng Diyos para sa atin.
Itinuturo ni Jesus na dapat tayong tumugon sa paanyaya ng Diyos na tumulong sa
pagbuo ng Kanyang vision o pagnanais para sa shalom, at huwag mag-alala
kung paano paghirapang makuha ang pagmamahal ng Diyos na matagal nang ibinigay
sa atin nang walang kondisyon.
Kamangha-mangha ang naging return on investment o bunga ng
mga aliping nakatanggap ng lima at dalawang talento. Bagama't pinuri ng amo ang
kanilang pagsisikap, tila kulang pa ang naging reaction niya kumpara sa laki ng
kanilang kinita. Mabilis na lumipat ang focus ng kuwento sa aliping piniling
ibaon ang nag-iisa niyang talento. Para sa aliping sinubukan lang namang
ingatan ang talento ng kanyang amo, tila sobra at napakalupit ng naging
reaction nito. Ngunit sa paningin ng master na nagtiwala sa alipin upang gumawa
ng responsableng desisyon sa paggamit ng talento, lumalabas na tamad at mali
ang naging kilos nito.
Habang lumalalim tayo sa kuwento, mapapansin natin na
nagpasyang ibaon ng alipin ang talento dahil sa takot. Hindi siya nagtitiwala
sa character ng kanyang master. Natatakot siya sa kung anong maaaring gawin
nito, kaya pinili niya ang sa tingin niya ay pinakaligtas na paraan—ang ibaon
ang talento upang maprotektahan ito. Tinanong siya ng master kung bakit hindi
na lang niya inilagak sa bangko ang salapi upang kumita man lang ng interest
kung talagang iniisip niyang napaka-demanding ng master niya. Nakakatawa mang
isipin, makikita natin na ang takot mismo ng alipin ang pumigil sa kanya upang
gumawa ng tamang pasya. Kahit papaano, sana ay pinili na lang niya ang safe
option upang kumita ng garantisadong interest sa bangko. Ngunit kung nagtiwala
lamang ang alipin sa master na unang nagtiwala sa kanya, nag-take sana siya ng
risk at ginawa ang lahat upang matupad ang hangarin ng master.
Ikinuwento ni Jesus ang talinghagang ito sa mga huling araw
ng kanyang buhay dito sa lupa. Nasa gitna siya noon ng paggawa ng mga desisyong
hindi maituturing na "responsible" kung ang tanging goal niya ay ang
mabuhay. Ngunit matututunan natin mula sa kahulugan ng talinghaga at sa
halimbawa ni Jesus na ang paggawa ng responsible choices ay nangangahulugan ng
kahandaang mag-take ng risks upang ipahayag si Jesu-Cristo at magtaguyod ng mga
komunidad na puno ng joy, hope, love, at peace. Tungkol ito sa pagpiling
makibahagi sa pagbabago ng mundo batay sa vision of shalom ng Diyos.
Kapag hindi tayo nagtitiwala sa Diyos at natatakot tayong
huhusgahan Niya nang malupit ang ating mga pasya, nananatili tayong nakatengga
at paralisado sa takot. Tulad ng alipin, ibinabaon natin ang ating
"talent." Kailangan nating manatiling nakasentro sa unconditional
love at grace ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Kailangan nating
kilalanin na nagtitiwala sa atin ang Diyos bilang mga stewards o tagapangalaga
ng ating mga desisyon upang makatulong sa pagtatatag ng paghahari Niya dito sa
lupa. Makakatulong ito upang magtiwala tayo sa Diyos, makalaya sa ating takot,
at mag-take ng risks, sumuong sa panganib o makipagsapalaran tulad ng ginawa ni
Jesus. Tulad ng mga aliping nakagawa ng pambihirang kita mula sa kanilang mga
"talents," ginagabayan tayo ng Holy Spirit na gumawa ng mga tamang
pasya na nakakatulong para panumbalikin ang purposes o layunin ng Diyos sa
mundo. Habang nagri-risk tayong gumawa ng responsableng desisyon tulad ni
Jesus, nakikibahagi tayo sa kagalakan ng pagiging mga kingdom builders ng
Diyos.
Mga Pangunahing Kaisipan
- Kailangan
nating matutong magtiwala sa unconditional love at grace ng Diyos sa
pamamagitan ni Jesu-Cristo.
- Nagtitiwala
sa atin ang Diyos bilang mga stewards na gagawa tayo ng mga responsableng
desisyon kung paano gagamitin ang lahat ng ating natanggap upang isulong
ang vision of shalom ng Diyos.
- Ang
paggawa ng responsible choices ay nangangailangan ng paglaya natin sa
ating mga takot at sa kagustuhang "mag-play safe," at sa halip
ay mag-take ng risks tulad ng ginawa ni Jesus.
Mga Tanong para sa Speaker
- Paano
ka mananatiling nakasentro sa unconditional love at grace ng Diyos sa
pamamagitan ni Jesu-Cristo upang mas lumalim ang tiwala mo sa Kanya?
- Saang
bahagi ng iyong buhay o komunidad kumikilos ngayon ang Diyos at tinatawag
kang mag-take ng risk upang makibahagi?
- Anong
mga gifts ang ibinigay sa iyo ng Diyos na maaari mong gamitin upang
makatulong na maibalik ang vision of shalom ng Diyos sa pamamagitan
ng Community of Christ Mission Initiatives?
- Ano
ang kinatatakutan mo sa pag-take ng risks upang gamitin ang iyong mga
gifts sa pagbabago ng mundo?
- Paano
mo malalampasan ang iyong takot at susundin ang paggabay ng Holy Spirit
upang gamitin ang iyong mga gifts sa misyon?
No comments:
Post a Comment