Umaykayo ket Dumngeg
Genesis 25:19-34; Psalm 119:105-112; Romans 8:1–11
Mateo 13:1-9, 18-23
1-9
1Iti dayta met la nga aldaw, pimmanaw ni Jesus
iti balay, ket napan nagtugaw iti igid ti dan-aw tapno mangisuro. 2Gapu
ta adu unay ti tao nga immaribungbong kenkuana, limmugan iti bangka sa
nagtugaw. Nagtakder dagiti tattao iti sang-at. 3Insursurona ida
kadagiti adu a bambanag babaen iti pangngarig.
Kinunana: “Adda maysa a tao a napan nagpurruak iti bukel. 4Idi
agpurpurruak, nagdisso ti sumagmamano a bukel iti igid ti dalan ket tinuktok
dagiti tumatayab. 5Adda met sumagmamano a bukel a nagdisso iti
kabatoan a bassit laeng ti dagana. Gapu ta narabaw ti dagana, nabiit a nagtubo
dagiti bukel. 6Idi makatangkayagen ti init, nalaylay dagiti apagtubo
a mula ket nagangoda a dagus agsipud ta di unay nakauneg dagiti ramutda. 7Nagdisso
met ti sumagmamano a bukel iti nagtuboan dagiti siitan a mula a dimmakkel ken nangleppes
kadakuada. 8Ngem nagdisso ti dadduma a bukel iti nadam-eg a daga,
ket nagdawada: adda nagdawa iti sangagasut, adda met innem a pulo ken adda pay
tallopulo.”
9Inggibus ni Jesus, “Dumngeg ngarud ti siasinoman
nga addaan pannakaawat!”
18-23
18“Denggenyo ngarud ti kaipapanan ti pangngarig
maipapan iti agmulmula:
19“Dagiti dumngeg iti sao maipapan iti Pagarian
ngem dida maawatan, mayarigda iti bukel a nagdisso iti igid ti dalan. Umay ti
Managdakdakes ket rabsutenna ti naimula kadakuada. 20Ti bukel a
nagdisso iti kabatoan iladawanna dagiti tattao a siraragsak nga umawat iti
mensahe apaman a mangngegda. 21Ngem saan nga umuneg ti sao kadakuada
ket saanda nga agbayag. Isut' gapuna a maupayda a dagus no dumteng ti rigrigat
ken pannakaidadanes gapu iti sao. 22Ti bukel a nagdisso iti
kasisiitan iladawanna dagiti nakangngeg iti sao. Gapu kadagiti pakaringgoran
iti daytoy a biag ken ti panagagum iti kinabaknang, lineppesda ti sao ket dida
agbunga. 23Ti bukel a naimula iti nadam-eg a daga iladawanna dagiti
dumngeg ken makaawat iti sao ket agbungada; adda makaibunga iti sangagasut,
adda makainnem a pulo ket adda pay makatallopulo.”
China-challenge ng mga parabula kung ano na ang alam natin.
Kapag nagkukwento si Jesus gamit ang mga parabula, pinag-iisip Niya tayo kung
ano ba talaga ang ibig sabihin ng maging bahagi ng kaharian ng Diyos. Hindi
kailanman nagiging ayon sa inaasahan natin ang kaharian Niya; laging may
elemento ng sorpresa. At hindi naiiba rito ang parabula ng naghasik. Ang
kwentong ito ay makikita rin sa Lucas 8:5–8 at Marcos 4:3–9. Sa Ebanghelyo ni
Mateo—pagkatapos ng mga kwento ng pagka-kontra o pag-oppose kay Jesus sa kapitulo
11 at 12—dito Niya ibinahagi ang parabula ng naghasik.
Sa pagtatapos ng Mateo kapitulo 13, tinanggihan si Jesus sa
sarili Niyang bayan. Ang bersyon ni Mateo sa parabulang ito ay pwedeng
magpaliwanag kung bakit may mga taong tumutugon sa mensahe ng magandang balita
at mayroon namang hindi. O kaya naman, baka sinasagot nito ang tanong na, “Ano
ba ang tamang sitwasyon o kondisyon para ibahagi ang mensahe ng Ebanghelyo?”
Ang naghasik ay pwedeng tumukoy sa guro, sa pastor, kay
Jesus, o sa Diyos. Sa totoo lang, ang naghasik ay nagiging sinumang nagbabahagi
ng magandang balita. Ang kakaiba rito, hindi muna inihahanda ng naghasik ang
lupa bago magsabog ng buto. Hindi ito binubungkal o tinitingkab. Hindi alam ng
naghasik kung nasaan ang mga bato o matitigas na kumpol ng lupa. Kung saan-saan
lang din tumutubo ang mga damo at tinik. Hindi ang pagpili o pag-aayos ng lupa
ang focus ng naghasik; sa halip, tinawag lang talaga siya para magsabog ng buto
kahit saan at sa kahit kanino.
Ang buto sa parabulang ito ay tumutukoy sa mensahe ng
Ebanghelyo. Ang nagiging bunga naman ay ang mga alagad na nakikinig at
hinahayaang lumaki ang buto (ang salita ng Diyos) sa buhay nila. Kailangan ng
lupa at tamang kondisyon para tumubo ang "buto." Apat na uri ng lupa
ang inilarawan sa parabula: matigas, mababaw, matininik, at mabuti. Ang
pagkakaiba-iba ng mga lupang ito ay paalala sa simbahan na may mga ideal na
kondisyon na swak para sa pagpapalago ng mga alagad. Ang mga ideal na kondisyon
na ito ang nagbibigay sa mga alagad ng tamang nutrisyon, malalim na ugat, at
kakayahang magtiis sa gitna ng hirap. Inilalarawan din sa Ebanghelyo ni Mateo
ang reyalidad ng maraming hadlang na kinakaharap ng mga alagad, kasama na ang
pag-uusig (persecution), pag-aalala, at ang paghahangad na yumaman.
Sa dulo ng parabula, inilarawan ang makahimalang ani ng
Diyos: “ang iba ay isandaan, ang iba'y animnapu, at ang iba'y tatlumpu” (Mateo
13:8). Noong unang panahon, ang itinuturing na magandang ani ay apat hanggang
sampung beses lang ng dami ng itinanim. Kung iisipin natin na hindi naman
inihanda ang lupa at sa dami ng naging hadlang, nakakagulat na may naani pa
nga! At baka 'yun nga talaga ang punto ng parabula: Nagbibigay ang Diyos ng
napakalaki at masaganang ani na higit pa sa kaya nating isipin. Pwede tayong
makaramdam ng kabiguan o madismaya kapag pakiramdam natin ay walang nakikinig
sa atin, pero tinatawag tayo ng parabulang ito na patuloy lang maghasik ng
salita ng Diyos, gaano man kabato o katinik ang sitwasyon.
Sa kabila ng mga hirap at pagkontra na kinakaharap natin
bilang mga alagad ngayon, tinatawag tayo ng Diyos na maghasik ng buto kahit
saan, at ipagkatiwala sa Kanya ang pagpapasibol at pag-ani. Hindi natin alam
kung bakit nag-uugat ang salita ng Diyos sa ilang tao. Sinasabi sa atin ng
Kasulatan na ang pananampalataya ay regalo mula sa Diyos. Ang tawag sa atin ay
magsabog ng buto sa pinakamalawak at pinakamapagbigay na paraang kaya natin, at
magtiwala sa makahimalang pagpaparami ng Diyos.
Mga Pangunahing Kaisipan (Central Ideas)
- Tinawag tayong magbahagi ng magandang balita sa bawat pagkakataon, sa pinakamalawak, at sa pinakamatapang na paraang kaya natin. Hindi natin kailangang mag-alala kung gaano man kabato, katinik, o katigas ang mga lugar at sitwasyon; kailangan lang nating patuloy na ibahagi ang mensahe ng mapayapang kaharian ng Diyos.
- May mga taong hindi tutugon ayon sa inaasahan natin. Kapag nangyari 'yon, binabalikan natin ang parabulang ito para mapalakas ang loob nating magtiwala sa pag-ani ng Diyos, at malaman na ang gawa ng Diyos ay nagdadala ng mga makahimalang resulta.
- Bilang mga alagad, normal lang na makaranas tayo ng pag-aalala, kahirapan, at maging ng pagkontra. Habang patuloy tayong nag-aaral, lumalago, at nagbabago sa ating buhay, makakapagtiwala tayo sa regalo ng Banal na Espiritu na magbibigay sa atin ng pag-unawa, katatagan, at pananampalataya.
Mga Tanong para sa Tagapagsalita/Facilitator (Questions
for the Speaker)
- Ano ang mga pinakamagandang kondisyon o sitwasyon para ibahagi ang magandang balita ng Diyos? Ano namang mga kondisyon ang nagpapabagal sa paglago ng kaharian ng Diyos?
- Ano ang pumipigil sa 'yo na magbahagi o "maghasik" ng magandang balita? Anong mga hadlang ang kailangan mong alisin para maging mas mapagbigay ka sa pagbabahagi mo sa iba?
- Kailan huling lubusang naitanim ang magandang balita ng mapayapang kaharian ng Diyos sa buhay mo? Sa komunidad mo? O sa buong mundo? Paano mo pinakikinggan at iniintindi ang magandang balita?
- Paano nakakaapekto sa paglahok natin sa mga Mission Initiative ang mensahe ng naghasik tungkol sa pagpapatuloy at hindi pagsuko?