Exodo 17:1-7
1Sa utos ng Panginoon, umalis ang buong
sambayanan ng Israel sa ilang ng Sin at nagpatuloy sa paglalakbay.
Nagpalipat-lipat sila ng lugar. Nagkampo sila sa Refidim, pero walang tubig na
mainom doon. 2Kaya nakipagtalo sila kay Moises at sinabi, “Bigyan mo
kami ng tubig na maiinom.”
Sumagot si Moises, “Bakit kayo nakikipagtalo sa akin? Bakit
ninyo sinusubok ang Panginoon?”
3Ngunit uhaw na uhaw ang mga tao roon, kaya
patuloy ang pagrereklamo nila kay Moises, “Bakit mo pa kami inilabas ng Ehipto?
Mamamatay din lang pala kami rito sa uhaw pati ang mga anak at mga hayop
namin.”
4Kaya humingi ng tulong si Moises sa Panginoon,
“Ano po ba ang gagawin ko sa mga taong ito? Halos batuhin na nila ako!”
5Sumagot ang Panginoon kay Moises, “Kunin mo ang
iyong baston na inihampas mo sa Ilog Nilo, at pangunahan mo ang mga tao kasama
ng ilang mga pinuno ng Israel. 6Ako ay tatayo sa harap mo roon sa
may bato sa Bundok Horeb. Hampasin mo ang bato at lalabas ang tubig na iinumin
ng mga tao.” Kaya ginawa ito ni Moises sa harap ng mga pinuno ng Israel. 7Tinawag
ni Moises ang lugar na Masa at Meriba, dahil nakipagtalo sa kanya ang mga
Israelita at sinubukan nila ang Panginoon sa pamamagitan ng pagsasabi, “Kasama
ba natin ang Panginoon o hindi?”
Pag-aaral sa Kasulatan
Ang bawat babasahing Kasulatan para sa panahon ng Kuwaresma
ay humahamon sa atin na suriin ang ating sarili para makita kung ano ang dapat
nating baguhin. Ang teksto ngayong araw ay tungkol sa pagrereklamo at pagiging
negatibo —mga pag-uugaling matagal nang problema ng bawat henerasyon.
Dalawang buwan matapos tumawid ang mga Israelita sa Dagat na
Pula at simulan ng kanilang mahabang paglalakbay, nag-kampo sila sa ilang ng
Sin, sa pagitan ng Elim at Bundok ng Sinai. Ubos na ang pagkain nila. Gutom na
sila, kaya nagsimula silang magreklamo. Bilang tugon, nagpadala ang Diyos ng
mga pugo at manna para makain nila. Mula sa ilang ng Sin, lumipat sila sa
Rephidim at doon naman sila nauhaw. Nagsimula na naman silang magreklamo, kaya
napikon na si Moises. Tinanong niya sila kung bakit nila sinusubok ang
Panginoon sa pamamagitan ng pagdududa kung kasama ba talaga nila ang Diyos at
kung kaya Ba silang alagaan Nito. Inulit lang nila ang reklamo nila:
"Bakit mo pa kami inilabas sa Ehipto? Para lang ba patayin kami, ang mga
anak namin, at ang mga hayop namin sa uhaw?" (Exodo 17:3). Ito na ang lagi
nilang ibinabato tuwing nagiging mahirap ang buhay sa ilang.
Madasalin at mahaba ang pasensya ni Moises sa mga tao
kadalasan, pero sa pagkakataong ito, nagreklamo na rin siya sa Diyos tungkol sa
mga bintang ng bayan. Pagkatapos, sinunod niya ang utos ng Diyos. Kaharap ang
mga tao, dala ang kanyang tungkod, pumunta siya sa Bundok ng Horeb. Nang
hampasin niya ang isang bato doon, lumabas ang tubig. Sinasabi sa Kasulatan na
nakatayo ang Diyos sa ibabaw ng bato (talata 6)—isang paraan ng pagsasabi na
talagang kasama nila ang Diyos.
Tiniyak ng sumulat ng Exodo na banggitin na nangyari ito sa
harap ng mga pinuno ng Israel bilang mga saksi. Ang lugar na iyon ay may mga
bukal ng tubig sa ilalim ng mga batong lima (limestone). Nagtatapos ang teksto
sa pagpapaliwanag ng mga pangalan ng ilan sa mga bukal na iyon. Ang isa ay
tinawag na Massah, na ang ibig sabihin ay "pagsubok." Ang isa naman
ay Meribah, o "pakikipag-away," bilang alaala sa pakikipag-away ng
mga Israelita kay Moises. Nakakapagtaka na walang alinman sa mga pangalang ito
ang nagbibigay-puri sa Diyos para sa himala. Pareho itong nakatutok sa
negatibong pag-uugali ng mga tao.
Ang kwento ng manna at ang kwentong ito ng tubig ay
nagpapakita ng paulit-ulit na pamamaraan sa paglalakbay ng mga Israelita sa
ilang patungong Canaan. Magrereklamo sila, ibubuhos ang inis kay Moises,
lalapit si Moises sa Diyos para humingi ng tulong, at maingat namang ibibigay
ng Diyos ang kailangan ng tao. Lalong nagiging malinaw sa bawat pag-ulit ang
pagkakaiba ng pagrereklamo at kawalan ng pananampalataya ng tao kumpara sa
pagiging tapat at maawain ng Diyos. Mas malinaw na nakikita ang malaking pagkakaiba
ng Diyos at ng tao sa gitna ng ilang.
Inilarawan ng sumulat ng Exodo ang henerasyon ng mga
Israelita sa ilang sa pinakamasamang paraan. Pero siyempre, ang mga taong nagugutom o
namamatay sa uhaw ay natural lang na dumalingin sa Diyos. Ang mga taong walang
katiyakan ang kinabukasan ay natural lang na mawalan ng pag-asa at pagdudahan
ang mga naging desisyon nila. Nasaan ba ang hangganan sa pagitan ng
pagiging negatibo at ng makatwirang pag-aalala?
Sa mundo ngayon, napakapangkaraniwan ang pagrereklamo. Sa kasamaang-palad, ang mga
taong may pananampalataya ay madalas na kasing-dami rin ng reklamo kumpara sa
mga hindi nakakakilala sa Diyos. Pero kabila noon, patuloy pa ring
nagtitimpi at nagpapasensya ang Diyos sa sangkatauhan. Ganyan katindi ang
biyaya ng Diyos.
Mga Pangunahing Kaisipan
·
Pumatak sa matinding hirap ang mga Israelita sa
kanilang paglalakbay sa ilang patungong Canaan. Sinagot ng Diyos ang kanilang
mga reklamo sa pamamagitan ng patuloy na pagbibigay sa kanilang mga
pangangailangan.
·
Ang mga pagsubok sa buhay ay madalas na
nag-uudyok sa mga taong manisi ng iba—kadalasan ang kanilang mga pinuno—para sa
mga problema at trahedya, sino man ang talagang may kasalanan.
·
Ang biyaya ng Diyos ay patuloy na ibinibigay sa
atin sa kabila ng mga hirap sa buhay at ng hilig ng taong magreklamo.
Mga Tanong para sa Tagapagsalita
1.
Ano ang mga reklamong pinakamadalas mong
marinig? Ano naman ang madalas mong ireklamo? Ano ang magandang kapalit o
alternatibo sa pagrereklamo?
2.
Isipin ang kasaysayan ng iyong kapilya o
simbahan. Anong mga kaganapan ang nagpapakita ng paglalakbay sa ilang? Anong
mga kaganapan naman ang nagpapakita ng walang katapusang pagpapala ng Diyos?
3.
Paano hinahamon ng kwentong ito ngayong
Kuwaresma ang mga tao na baguhin ang kanilang negatibong pag-uugali at
makasariling pagrereklamo? Ano ang sinasabi nito tungkol sa mga matitinding
sitwasyon na nagtutulak sa atin para tapat na humingi ng tulong at manalangin
sa Diyos?
No comments:
Post a Comment