2Nagreklamoda iti maibusor kada Moises ken Aaron idiay let-ang. 3“Pinataynakami la koman ti Apo idi idiay Egipto,” kinunada. “Sadiay, agum-umakam idi a mangan iti karne ken dadduma pay a taraon. Ngem inyegdakami ditoy let-ang tapno patayendakam iti bisin.”4Kinuna ni Yahweh ken ni Moises, “Pagtudoekto iti taraon nga agpaay kadakayo amin. Masapul a rummuar dagiti tattao nga agurnong iti umdas a kanenda iti tunggal aldaw. Kastoy ti panangsuotko kadakuada no tungpalenda met laeng dagiti bilinko. 5Iti maikanem nga aldaw, masapul a doblienda ti masansan nga urnongenda iti inaldaw ket isaganada.”6Iti kasta, kinuna da Moises ken Aaron kadagiti Israelita, “Ita a rabii, maammoanyo a ti Apo ti nangiruar kadakayo idiay Egipto. 7Inton agsapa no bigat, makitayonto ti dayag ti Apo. Nangngegna ti panagsaoyo iti maibusor kenkuana. Wen, isu ti nagsaoanyo iti dakes ta ipatpatungpalmi laeng dagiti bilinna.” 8Innayon pay ni Moises, “Iti rabii, mangted ti Apo iti karne a sidayo. Iti bigat, ikkannakayo iti tinapay ingganat' mapnekkayo agsipud ta nangngegna ti nakaro a panagsaoyo iti maibusor kenkuana. No agreklamokayo kadakami, awan sabali a pagreklamoanyo no di ti Apo.”9Kinuna ni Moises ken ni Aaron, “Ibagam kadagiti amin a tattao a dumatagda iti Apo ta nangngegna dagiti reklamoda.”10Idi madama a kasasao ni Aaron dagiti tattao, timmaliawda iti let-ang ket pagammoan nagparang ti dayag ni Yahweh iti ulep. 11Kinuna ni Yahweh ken ni Moises, 12“Nangngegko ti reklamo dagiti Israelita. Ibagam kadakuada, nga iti sumipnget, addanto karne a sidada, ket iti agsapa, agum-umadanto a mangan iti tinapay. Iti kasta, maammoandanto a siak ni Yahweh a Diosda.”13Iti rabii, dimteng ti adu a pogo ket pinunnoda ti kampo. Iti agsapa, naaplagan iti linnaaw ti aglawlaw iti kampo. 14Idi awanen ti linnaaw, adda dagiti naingpis a banag a kasla nagbalay a danum iti rabaw ti daga. 15Idi makita dagiti Israelita, dida ammo no ania dagitoy ket nagsisinnaludsodda, “Ania dagitoy?”“Daytoy ti taraonyo nga inted ti Apo,” kinuna ni Moises kadakuada.
2Doon sa ilang, nagreklamo ang lahat ng mga Israelita kina Moises at Aaron. 3Sinabi nila, “Mabuti pang pinatay na lang kami ng Panginoon sa Ehipto! Doon, kahit papaanoʼy nakakakain kami ng karne at ng lahat ng pagkain na gusto namin. Ngunit dinala nʼyo kami rito sa ilang upang patayin kaming lahat sa gutom.”4Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises, “Makinig ka! Magpapaulan ako ng pagkain mula sa langit para sa inyo. Bawat araw, mangunguha ang mga Israelita ng pagkain nila para sa araw na iyon. Sa ganitong paraan, masusubok ko kung susundin nila ang mga utos ko. 5Sabihin mo sa kanila na doblehin nila ang kukunin nilang pagkain tuwing ikaanim na araw ng bawat linggo.”6Kaya sinabi nila Moises at Aaron sa lahat ng mga Israelita, “Ngayong gabi, malalaman ninyo na ang Panginoon ang naglabas sa inyo sa Ehipto, 7at bukas ng umaga, makikita ninyo ang makapangyarihang presensya ng Panginoon. Sapagkat narinig niya ang mga reklamo ninyo. Sino ba kami para sa amin kayo magreklamo?” 8Sinabi pa ni Moises, “Bibigyan kayo ng Panginoon ng karne na kakainin ninyo sa gabi at bubusugin niya kayo ng tinapay sa umaga, dahil narinig niya ang pagrereklamo ninyo sa kanya. Ngunit sino ba naman kami? Ang inyong mga pagrereklamo ay hindi laban sa amin, kundi laban sa Panginoon.”9Sinabi nina Moises at Aaron, “Sabihin ninyo sa buong mamamayan ng Israel na lumapit sila sa harapan ng Panginoon dahil narinig niya ang pagrereklamo ninyo.”10Habang nagsasalita si Aaron sa buong mamamayan ng Israel, tumingin sila sa ilang at nakita nila ang makapangyarihang presensya ng Panginoon sa ulap.11Sinabi ng Panginoon kay Moises, 12“Narinig ko ang pagrereklamo ng mga Israelita. Sabihin mo sa kanila, ‘Sa pagsapit ng gabi, kakain sila ng karne at sa umaga namaʼy magpapakabusog sila sa tinapay. At malalaman ninyong ako ang Panginoon na inyong Diyos.’ ”13Nang sumapit na ang gabi, dumagsa ang mga pugo at napuno nito ang buong kampo. Kinaumagahan, nabalot ng hamog ang buong kampo. 14Nang mawala ang hamog, may nakita silang maliliit na bagay sa lupa na puting-puti. 15Hindi nila alam kung ano ito kaya nagtanungan sila, “Ano kaya iyan?”Sinabi ni Moises sa kanila, “Iyan ang pagkain na ibinigay ng Panginoon sa inyo upang kainin. 16Sinabi ng Panginoon na ang bawat isa sa inyoʼy mag-ipon nito ayon sa inyong pangangailangan; mga isang salop bawat tao.”
Pag-unawa
sa Kasulatan
Inilabas
ng Diyos ang mga Israelita sa Ehipto pagkatapos ng 430 taon na pagiging alipin.
Dinala sila ng Diyos sa paikot-ikot na daan sa ilang (desyerto) at palaging
nangunguna para gabayan sila. Sa buong biyahe na ito, tuloy-tuloy ang reklamo
ng mga tao, pero hindi sila kailanman iniwan ng presensya ng Diyos.
Pinatigas
ng Diyos ang puso ng Faraon kaya hinabol niya ang mga tumatakas na Israelita.
Pagdating ng mga Israelita sa gilid ng Dagat na Pula, pasugod na sa kanila ang
mga sundalong Ehipcio. Sumigaw sila sa Panginoon dahil sa takot. Pero
nagreklamo din sila kay Moises, kaya sinabi niya sa kanila, "Ipaglalaban
kayo ng Panginoon; kailangan niyo lang manahimik" (Exodo 14:14). At ginawa
nga ito ng Diyos—hinati Niya ang dagat, nakatawid ang mga Israelita sa tuyong
lupa, at nalunod ang mga Ehipcio. Pagkatapos noon, nagkaroon ng matinding
paggalang at pananampalataya ang mga Israelita sa Panginoon.
Pagkatapos,
nakarating sila sa Mara kung saan mapait ang tubig, at nagreklamo na naman ang
mga tao (Exodo 15:23–25). Pero sinabi ng Diyos kay Moises ang dapat gawin,
sumunod siya, at naging maiinom ang tubig para sa lahat. Nang nagutom naman ang
mga tao, nagreklamo ulit sila laban kay Moises; naalala pa nila noong nasa
Ehipto sila na hindi sila nagugutom (Exodo 16).
Para
makarating sa Promised Land, kailangan munang tumawid ng mga Israelita sa
desyerto. Nakita nila kung paano kumilos ang Diyos para sa kanila, pero sige pa
rin sila sa pagrereklamo. Ang bilis nilang makalimot sa pagiging tapat ng
Diyos.
Nagreklamo
sila laban kina Moises at Aaron na mga pinuno nila. Pero linawin ni Moises na
sa Diyos talaga ang reklamo nila (b. 8).
Siguro
ayaw nilang mamatay sa Ehipto, at ayaw rin nilang mamatay sa desyerto. Gusto
lang talaga nila ng pagkain para mabusog. Sino ba naman sa atin na nagpalipas
ng kain at nagutom ang hindi makakaunawa sa pinagdaanan nila? Sinagot ng Diyos
ang reklamo nila sa pagkain tulad ng mga naunang reklamo. Sa pagkakataong ito,
nangako ang Diyos kay Moises, "Magpapaulan ako ng tinapay mula sa
langit" para pakainin sila (b. 4). Nagpadala ang Diyos ng manna at mga
pugo. Pero kahit ganun, hindi pa rin sumunod ang Israel sa mga utos ng Diyos.
Sa Bagong
Tipan, tinuruan ni Hesus ang mga alagad Niyang manalangin (Mateo 6:11). Ang
inspirasyon sa panalanging iyon ay maaaring nanggaling dito sa araw-araw na
tinapay na ibinigay sa mga Israelita sa desyerto. Sa Juan 6:31–33, matapos
pakainin ang 5,000 tao, ipinaalala ni Hesus sa karamihan na ang mga ninuno nila
ay kumain ng manna sa desyerto. Nakasulat kasi, "Binigyan Niya sila ng
tinapay mula sa langit upang kainin." Sinabi Niya sa kanila na hindi si
Moises ang nagbigay ng tinapay mula sa langit, kundi "ang aking Ama"
(b. 32). Nang hilingin ng mga tao kay Hesus na bigyan sila ng tinapay na iyon magpakailanman
(Juan 6:34), sumagot si Hesus, "Ako ang tinapay ng buhay. Ang lumalapit sa
akin ay hindi kailanman magugutom, at ang nananalig sa akin ay hindi kailanman
mauuhaw" (Juan 6:35). Nakikita mo ba ang pagkakatulad ng manna sa
desyerto, ng tinapay mula sa langit, at ni Hesu-Kristo bilang tinapay ng buhay?
Ang manna ay puti, na maaaring nagpapakita ng kalinisan at kabanalan, at
matamis na parang pulot. Si Hesu-Kristo naman ang regalo ng Diyos na libreng
ibinigay sa atin, na nagpapakita ng biyaya at pagkabukas-palad ng Diyos.
Mga
Pangunahing Kaisipan
- Ang tinapay na ibinigay ng
Diyos ay hindi ginawa o galing sa bakery sa desyerto; deretso itong
nanggaling sa Diyos para sa mga tao.
- Hindi nagbabago ang Diyos.
Patuloy Niyang pinapalaya ang mga tao mula sa pagkakaalipin. Siya ang
tagapagligtas ng Israel at isinugo Niya si Hesus na may misyong palayain
ang mga bihag at inaapi (Lucas 4:18–20).
- Sinisi ng mga Israelita sina
Moises at Aaron. Ang pagrereklamo at pagbubulong-bulong ng mga tao ng
Diyos ay patuloy pa rin hanggang ngayon. Minsan nagrereklamo tayo at
sinisisi ang mga pinuno natin sa lahat ng nangyayari sa bansa, sa
komunidad, o sa simbahan.
Mga
Tanong para sa Tagapagsalita
- Paano mo nakitang nagbibigay
ang Diyos ng tinapay, tagumpay, at proteksyon sa buhay mo?
- Kailan mo naramdamang naipit
ka at napaharap sa "dagat" tulad ng Israel? Kailan mo naisip na
katapusan mo na? Paano mo nakitang kumilos ang kamay ng Diyos para
tulungan ka?
- Hindi naging masunurin ang
Israel sa mga utos ng Diyos. Gaano kahalaga sa buhay natin ang sumunod sa
patnubay ng Diyos?
- Dahil nakikita natin ang
pagkabukas-palad ng Diyos sa pagbibigay ng tinapay sa Kanyang bayan, paano
ninyo isinasabuhay ng iyong kongregasyon ang ating Prinsipyo ng Biyaya at
Pagkabukas-palad (Grace and Generosity)?
No comments:
Post a Comment