Thursday, July 30, 2026

Wrestling with God (Sacred Tensions)

 

"Pakikipagbuno sa Diyos (Banal na Tunggalian)"

 

Genesis 32:22-31

22Iti dayta met la a rabii, bimmangon ni Jacob sana imballasiw dagiti dua nga assawana, dagiti dua a nga adipen a babbai ken dagiti sangapulo ket maysa nga annakna iti Karayan Jabbok. 23Kalpasanna, imballasiwna met dagiti amin a sanikuana 24ngem nagbati nga is-isuna. Sadiay, dimteng ti maysa a lalaki ket nakigabbo kenkuana agingga nga agbannawag. 25Idi madlaw ti lalaki a dina maparmek ni Jacob, tinapigna ti padingpading ni Jacob ket naligsi ti nagsuopan dagiti tulangna. 26Kinuna ti lalaki, “Ibbatannakon ta bumigaten.” “Dika palusposan no dinak umuna a bendisionan,” insungbat ni Jacob. 27“Ania ti naganmo?” sinaludsod ti lalaki. “Jacob,” insungbatna. 28Kinuna ti lalaki, “Manipud ita, saanen a Jacob ti naganmo. Gapu ta nakigabboka iti Dios ken iti tao ket nangabakka, Israel ti naganmon.” 29“Ita, ibagamon kaniak ti naganmo,” kinuna ni Jacob. Ngem insungbatna, “Apay a kayatmo nga ammoen ti naganko?” Ket binendisionanna ni Jacob. 30Kinuna ni Jacob, “Nakitak ti Dios iti rupanrupa ket sibibiagak pay laeng.” Daytoy ti gapuna a pinanagananna ti lugar iti Peniel. 31Lumgaken ti init idi pumanaw ni Jacob idiay Peniel. Agpilpilay gapu iti nablo a padingpadingna.

Pag-intindi sa Kasulatan

Medyo komplikadong bida si Jacob. Marami ang magsasabing manloloko siya. Para sa mga nakakaalam ng kuwento niya, alam nilang ninakaw niya ang basbas at mana ng nakatatanda niyang kapatid na si Esau. Marahil ay may kilala kang mga taong manloloko—o kahit mga tinuturing na "bida"—na laging nananalo. Pero ang mga panalo ni Jacob, laging may kasamang sakit ng ulo. Dahil sa ginawa niya kay Esau, napilitan siyang tumakas at mamuhay bilang katulong ng tiyuhin niya sa loob ng 20 taon. Bukod doon, halos buong buhay siyang nakipag-alitan sa kapatid niyang si Esau.

Ipinapakita ng kuwento ni Jacob na iba gumalaw ang Kaharian ng Diyos kumpara sa mundo. Si Jacob ang bunsong kapatid. Ayon sa patakaran ng lipunan noong panahon niya, ang panganay ang may mga pribilehiyo. Pero binigyang-pansin ng Diyos ang kapakanan ng nakababatang kapatid. Patuloy na nagpaparamdam at nakikipag-ugnayan ang Diyos sa isang taong sa tingin ng iba ay walang gaanong halaga. Binigyan si Jacob ng bagong pangalang "Israel" at siya ang naging ninuno ng mga Israelita. Ang bansang ito ay kikilalanin sa mga kuwento kung saan ang mas bata, mas maliit, o mas mahina ang siyang nakakakuha ng pabor sa Diyos. Ipagtatanggol ng mga propeta ng Israel ang mga mahihirap at Magsasalita sila para sa mga dayuhan at kababaihan. Magsisimula ang Israel kay Jacob—isang taong hindi sumunod sa patakaran ng mundo tungkol sa kung sino lang ang dapat umangat.

Sa biglang tingin, ang kuwento ni Jacob ay tungkol lang sa pag-agaw ng pribilehiyo ng iba. Nagsimula ito noong sinusubukan niyang maunang ipanganak. Hinawakan niya ang sakong ng kapatid niya para subukang hilahin ito pabalik sa sinapupunan para siya ang mauna. At noong nakaharap niya ang Diyos, sinubukan niyang gawin itong pagkakataon para makakuha ng basbas. Sa tingin ng marami, nakuha naman niya. Ang basbas ay isang bagong pangalan at marahil ay panibagong simula. Pero ang kuwentong ito ay mas tungkol sa relasyon kaysa sa pagkuha ng mga "bagay-bagay." Umalis siyang pilay—isang pilay na magpapaalala sa kanya sa bawat hakbang tungkol sa ugnayan niya sa Diyos. Pero maaaring hindi pilay ang basbas na inasahan niyang makuha.

Dapat mag-ingat ang tagapagsalita na huwag ipagmukhang "paraan lang para makahingi ng pabor sa Diyos" ang kuwentong ito. Ginawa kasing halimbawa ng ilang modernong mangangaral ang kuwentong ito para turuan ang mga taong pilitin ang Diyos na ibigay ang gusto nila. Sinasabi nilang kumapit nang mahigpit at mag-demand ng basbas mula sa Diyos, na tila baga mapipilitan ang Diyos na magbigay dahil lang nag-demand tayo. Pero kung babasahin nang mabuti, hindi iyon ang nangyari sa kuwento.

Una sa lahat, hindi ito tungkol sa sariling sikap o demand ng tao. Nagsimula ang kuwento sa pagkusa ng Diyos, hindi kay Jacob. Ang Diyos ang nagpakita. Kung hindi nagpakita ang Diyos, walang kuwentong mabubuo. Habang nakikipagbuno si Jacob, baka naisip niyang kontrolado niya ang sitwasyon at nanalo siya. Pero ang nakuha niya talaga ay kapilayan—at ang pagkakataong ipamana ang bago niyang pangalan sa isang bansa kung saan ang mga taong isinilang nang walang pribilehiyo ay magkakaroon ng espesyal na relasyon sa Diyos.

Nagtapos ang kuwento sa mga detalye na nagpapatunay na ang Diyos talaga ang nakipagbuno kay Jacob at hindi lang kung sinong misteryosong tao. Ipinaaalala nito ang pakikipag-usap ni Moises sa nag-aalab na palumpo (burning bush) kung saan itinatanong niya ang pangalan ng Diyos pero hindi ito deretsahang sinagot. Nagpatuloy si Jacob sa paglalakad nang pilay kasama ang Diyos na hindi niya alam ang pangalan—pinagpala ng isang komplikadong relasyon, at bilang ama ng isang natatanging lahi kung saan hindi umiiral ang karaniwang patakaran ng mundo tungkol sa pribilehiyo.

Mga Pangunahing Kaisipan

  • Sa relasyon natin sa Diyos, madalas tayong nakatutok sa paghingi ng mga basbas at biyaya.
  • Gusto tayong pagpalaan ng Diyos ng isang tapat at malalim na relasyon sa Kanya.
  • Ang isa sa pinakamagandang basbas ng Diyos sa atin ay ang pagpapaalala sa ating kahinaan at kawalan ng kakayahang lumaban sa sarili nating paraan—isang "kapilayan" na magpapaalala sa atin ng ating relasyon sa Kanya.
  • Tinatanggap ng Diyos ang tapat na pakikipagbuno at pagpoprotesta natin sa Kanya.
  • Ang totoong pakikipagtagpo sa Diyos ay nag-iiwan ng pagbabago sa atin. Sa halip na magmukhang maayos at pinagpala, ang mga taong may malalim na relasyon sa Diyos ay madalas na may mga pasa o sugat ng karanasan.
  • Maaari tayong pagpalain ng Diyos sa pamamagitan ng pagiging daan para pagpalain ang ibang tao.

Mga Tanong para sa Tagapagsalita

  • Kailan ka huling nakipagbuno o nakipagsumpungan sa Diyos?
  • Paano hinubog ng mga karanasan mo kasama ang Diyos ang iyong pagkatao?
  • Sa anong mga paraan ka nasugatan o nahirapan sa relasyon mo sa Diyos?
  • Kailan ka huling naghanap ng basbas para sa sarili mo, pero ang nahanap mo pala ay ang pagpala sa iba?
  • Saan mo nakitang pinili ng Diyos na makipag-ugnayan sa mga taong itinuturing na "mababa" sa lipunan? Kailan mo nakitang pinagpala ng Diyos ang mga taong ipinanganak nang walang pribilehiyo?

Friday, July 24, 2026

Come as You Are


Romans 8:26-39

26Tinutulungan tayo ng Espiritu sa kahinaan natin. Hindi natin alam kung ano ang dapat nating ipanalangin, kaya ang Espiritu na rin ang namamagitan sa Diyos para sa atin sa pamamagitan ng mga daing na hindi natin kayang sabihin. 27At ang anumang nais sabihin ng Espiritu ay alam ng Diyos na siyang sumisiyasat sa puso ng mga tao. Sapagkat namamagitan ang Espiritu para sa mga tinawag na maging banal, kung ano ang ayon sa kalooban ng Diyos.

28Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin. 29Sapagkat alam na ng Diyos noon pa man kung sino-sino ang kanyang magiging mga anak. At silaʼy itinalaga niyang matulad sa kanyang Anak na si Hesus upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid. 30Kaya ang mga taong pinili niya noong una pa ay tinawag din niya, at ang mga tinawag niya ay itinuring niyang matuwid, at ang itinuring niyang matuwid ay niluwalhati rin niya.

Tayoʼy Higit pa sa mga Nagtagumpay

31Ngayon, kung iisipin natin ang mga bagay na ito, masasabi nating panig sa atin ang Diyos, at dahil dito, walang magtatagumpay laban sa atin. 32Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait sa halip ay ibinigay para sa atin, tiyak na ibibigay rin niya sa atin ang lahat ng bagay. 33Sino ang maaaring mag-akusa sa mga pinili ng Diyos? Ang Diyos na mismo ang nagturing sa atin na matuwid. 34Wala ring makakahatol sa atin ng kaparusahan, dahil si Kristo Hesus na mismo ang hinatulang mamatay para sa atin. At hindi lang iyan, muli siyang binuhay at nasa kanang kamay na ngayon ng Diyos at namamagitan para sa atin. 35Walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Kristo, kahit dumanas pa tayo ng mga pagsubok, paghihirap, pag-uusig, gutom, kawalan, panganib, o maging kamatayan. 36Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan:

“Alang-alang sa iyo,

palaging nasa panganib

ang aming buhay;

para kaming mga tupang kakatayin.”

37Ngunit kahit ganito ang kalagayan natin, ganap ang ating tagumpay sa tulong ni Kristo na nagmamahal sa atin. 38-39Sapagkat natitiyak ko na walang makakapaghiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinakita sa atin sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon. Maging kamatayan o buhay, mga anghel o anumang makapangyarihang espiritu, ang kasalukuyang panahon o ang hinaharap, ang mga kapangyarihan, ang mga nasa itaas o mga nasa ibaba, o kahit ano pang mga bagay sa buong mundo ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos.

Pagninilay sa Kasulatan

Ang babasahin natin ngayon ay naglalaman ng isa sa pinakakontrobersyal na bahagi ng mga isinulat ni Pablo, pati na rin ang isa sa kanyang pinakamahahalagang pahayag. Kahit alin sa dalawang paksang ito, napakagandang pag-usapan sa sermon, sa klase, o kaya’y sa sariling pagninilay-nilay.

Nagsimula si Pablo sa mga limitasyon nating mga tao (ang ating kahinaan)—partikular na sa hindi natin pagkaalam kung paano manalangin nang tama (v. 26). Ang Espiritu ng Diyos ang mismong nananalangin para sa atin sa pamamagitan ng mga daing na nagmumula sa kaibuturan ng ating puso—mga bagay na hindi man lang natin kayang ipahayag. Pero kilala at nauunawaan ng Diyos ang ating mga puso. Maiintindihan niya ang daing ng Espiritu na lumalapit para sa atin. Kumikilos ang Espiritu ayon sa kalooban at sa pangkalahatang layunin ng Diyos. At sa layunin ng Diyos, ang lahat ng bagay ay gumagawa para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya at tinawag niya.

Ganto inilarawan ni Pablo ang mga layunin ng Diyos:

  • Bago pa man tayo ipanganak, kilala na tayo ng Diyos at itinalaga na tayong maging katulad ng larawan ni Cristo, upang siya ang maging panganay sa pamilya ng Diyos.
  • Ang mga itinalaga niya ay kanya ring tinawag.
  • Ang mga tinawag niya ay kanya ring itinuring na matuwid.
  • At ang mga itinuring niyang matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya ay binigyan din niya ng karangalan (ang buhay na muling pagkabuhay).

“Ano pa ang masasabi natin tungkol dito?” (v. 31). Ano nga ba? Ilang siglo nang sinusubukan ng mga lider ng simbahan na intindihin ang ibig sabihin ng "predestination" o pagtatalaga ayon sa paliwanag ni Pablo, na naging dahilan pa nga ng mga pagkakabahagi na hanggang ngayon ay umiiral pa rin. Sabi ng ilang theologian, pumipili lang daw ang Diyos ng iilang nakatadhana at tapat na tagasunod, at inayos na niya ang buhay ng mga ito para magkaroon sila ng pananampalataya, maglingkod, at magtamo ng kaluwalhatian. Ginagamit nila ang talatang ito at ang pagbanggit ni Pablo sa “mga pinili ng Diyos” sa talatang 33 para suportahan ang kaisipang ito. Isa itong pananaw na nakatutok lang sa pansarili o indibidwal na kaligtasan.

Pero noong isinusulat ito ni Pablo, wala pa sa kultura o kaisipan ng mga tao ang labis na pagiging indibidwalista. Ang kaligtasan, pagsisisi, at awa ay nakatutok sa buong komunidad, bansa, o grupo ng tao. Simula't sapul, ang layunin talaga ng Diyos ay ang pagsagip sa lahat. Ang ibig sabihin ng pagtatalaga (predestination), nais ng Diyos na ang buong sangkatauhan ay mahubog sa larawan ni Cristo. Ang pag-asang ito ay maaaring maipamuhay o hindi ng isang tao sa kanyang pamumuhay. Kung paanong ang panganay na anak ay kamukha ng ulo ng pamilya, ang sangkatauhan (o ang malawak na komunidad ng mga tao ng Diyos) ay nagtataglay din ng larawan ni Cristo at nagiging pamilya ng Diyos. Ang biyaya ng Diyos ay para sa bawat kaluluwa; tinatawag ng Diyos ang bawat tao; nagnanais ang Diyos na ariing-matuwid ang pananampalataya ng bawat isa, at nagbibigay siya ng buhay na muling pagkabuhay para sa lahat. Ang sumusuporta sa interpretasyong ito ay ang dakilang pahayag sa dulo ng talatang ito: “[walang] makapaghihiwalay sa atin sa pagmamahal ng Diyos na kay Cristo Jesus na ating Panginoon” (v. 38-39).

Hindi madaling maging Cristiano. Likas sa tao ang matakot sa sakit at pagdurusa. Si Pablo mismo ay nakaranas ng matinding hirap, pighati, pag-uusig, at gutom. Ganun din ang maraming ibang Cristiano. Pero ang pagdurusa ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pagmamahal ni Cristo. Pwede tayong mabuhay nang walang takot, anuman ang harapin natin. Kahit ang kamatayan o buhay, ang mabuti o masama, o anumang uri ng kapangyarihan—walang makapaghihiwalay sa atin sa pagmamahal ng Diyos. Kahit pa ang mga pagkakabahagi sa loob ng komunidad ng pananampalataya ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pagmamahal. Hahatiin ba tayo basta-basta ng isang Diyos na ganito kalaki magmahal sa "pinagpala" at "sinumpa" bago pa man magsimula ang buhay natin? Siyempre hindi. Matatag ang mga layunin ng Diyos, at dahil sa biyaya, nakapaloob tayo sa mga layuning iyon tulad ng pagkakapaloob natin sa pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo.

Pangunahing Kaisipan

  • Ang buhay na Espiritu ng Diyos ay nananalangin sa pamamagitan natin, sinusubukang iayon ang ating kalooban sa kalooban ng Diyos upang matupad ang kanyang mga layunin.
  • Ang hangad ng Diyos para sa buong sangkatauhan ay mahubog sa larawan ni Cristo at makabilang sa isang banal at bukas-para-sa-lahat na pamilya.
  • Ang Diyos ay tumatawag, nagpapatawad, nagtuturing na matuwid, at sa huli ay nag-aalok ng kaligtasan sa sangkatauhan sa pamamagitan ng biyaya.
  • Walang makapaghihiwalay sa atin sa pagmamahal ng Diyos—kahit pa ang "pagtatalaga" ng Diyos ng kaligtasan para sa sangkatauhan. Ang kaligtasang iyon ay bukas para sa lahat.
  • Tiyak at matatag ang mga layunin ng Diyos. Nakapaloob tayo sa mga layuning iyon kasingtiyak ng pagkakapaloob natin sa pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo.

Mga Tanong para sa Tagapagsalita / Tagapangaral

  • Paano napayaman at nabago ang buhay-panalangin mo nang malaman mong ang Espiritu mismo ng Diyos ang nananalangin sa pamamagitan mo?
  • Paano mo ipapaliwanag ang kaisipan ni Pablo tungkol sa itinadhanang kaligtasan para sa lahat sa paraang madaling maintindihan sa ating modernong mundo na masyadong nakatutok sa sarili?
  • Kailan mo naramdamang tila hiwalay ka sa pagmamahal ng Diyos? Paano ninyo nalampasan ng Diyos ang pakiramdam na iyon?
  • Ano kaya ang pakiramdam ng mabuhay nang walang anumang kinatatakutan?
  • Paano nagiging bahagi ang iyong iglesya o kongregasyon sa mga layunin ng Diyos para sa buong likha? Paano pumasok ang mga konsepto ng pag-unawa (discernment), pananaw (vision), misyon, pagkilos (agency), at pananampalataya sa mga layunin ng Diyos?

Monday, July 13, 2026

Come into God’s Presence


UMAYKA ITI PRESENSIYA TI DIOS
Additional Scriptures
Psalm 139:1-12, 23-24; Matthew 13:24-30, 36-43; Romans 8:12-25

Genesis 28:10-19a

10Umalis si Jacob sa Beer-seba at lumakad papuntang Haran. 11Nang lumubog na ang araw, nakarating siya sa isang lugar at doon nanatili nang gabing iyon. Kumuha siya ng isang bato at ginawa niyang unan sa pagtulog niya. 12Ngayon, nanaginip siya na may isang hagdan na nakatayo sa lupa na abot hanggang langit. Nakita niya na akyat-baba ang mga anghel ng Diyos sa hagdan. 13Nakita rin niya ang Panginoon na nakatayo sa itaas ng hagdan at sinabi sa kanya, “Ako ang Panginoon, ang Diyos ni Abraham at ni Isaac. Ibibigay ko sa iyo at sa mga lahi mo ang lupaing ito na iyong hinihigaan. 14Ang mga lahi mo ay magiging kasindami ng alikabok sa lupa. Mangangalat sila sa ibaʼt ibang bahagi ng lupa. Sa pamamagitan mo at ng mga lahi mo, pagpapalain ko ang lahat ng tao sa mundo. 15Alalahanin mo palagi na kasama mo ako at iingatan kita kahit saan ka pumunta. Pababalikin kita sa lupaing ito at hindi kita pababayaan hanggang sa matupad ko ang aking ipinangako sa iyo.”

16Biglang nagising si Jacob at sinabi niya sa kanyang sarili, “Hindi ko alam na nandito pala ang Panginoon sa lugar na ito.” 17Natakot siya at sinabi, “Kakila-kilabot ang lugar na ito! Tiyak na tahanan ito ng Diyos at ito ang pintuan ng langit.”

18Maagang bumangon si Jacob. Kinuha niya ang batong inunan niya noong gabi at itinayo bilang isang alaala. Pagkatapos, binuhusan niya ito ng langis. 19Pinangalanan ni Jacob ang lugar na iyon na Betel.

Pag-unawa sa Kasulatan

Kinuwento sa bahaging ito ng Bibliya ang buhay ni Jacob. Kailangan niyang iwan ang kanyang pamilya at lumikas bilang isang refugee dahil nanganganib ang buhay niya, at wala siyang kasiguruhan sa kanyang kinabukasan. Napunta siya sa ganitong sitwasyon dahil sa masamang motibo niya—ninakaw kasi niya ang basbas ng kapatid niyang si Esau mula sa ama nilang si Isaac. Galit na galit si Esau at sumumpang papatayin si Jacob. Pero sa biyahe niya, makakatagpo niya ang Diyos at makakatanggap siya ng pagpapala para sa kanyang sarili, sa kanyang pamilya, at sa mga susunod na henerasyon.

Bago siya umalis, binasbasan muna siya ng kanyang ama. Sa huling basbas na ito, pinayuhan siya na pumunta sa Paddan-aram at mag-asawa ng isa sa mga anak na babae ni Laban. Binigay sa kanya ni Isaac ang pagpapala na unang ibinigay sa kanyang ama (si Isaac) at sa kanyang lolo (si Abraham). Sinabi ni Isaac kay Jacob na pagpapalain siya ng Diyos, pararamihin ang kanyang lahi, at mapapasa-kanila ang maraming lupain (Genesis 28:1–3).

Habang nagbibiyahe, tumigil siya para matulog sa isang lugar na hindi niya inaasahan, at doon siya nagkaroon ng panaginip na nagpabago sa buhay niya. Sa panaginip niya, nakakita siya ng isang hagdanan mula sa lupa hanggang langit, at may mga anghel na umaakyat at bumababa rito. Nakatayo ang Panginoon sa tabi niya at sinabi, “Ako ang Panginoon, ang Diyos ng iyong amang si Abraham at ang Diyos ni Isaac” (v. 13). Pagkatapos, pinagpala ng Diyos si Jacob at ang kanyang mga salinlahi. Pagkagising ni Jacob, sinabi niya, “Tunay na nandito ang Panginoon sa lugar na ito—at hindi ko man lang alam!” (v. 16). Kinuha niya ang batong ginawa niyang unan at itinayo ito bilang isang marker o haligi. Binuhusan niya ito ng langis at tinawag ang lugar na Bethel—na ang ibig sabihin ay "bahay ng Diyos." Sa paggawa nito, pinangalanan niya ang lugar na magiging pangunahing dambana ng hilagang kaharian ng Israel sa hinaharap.

Pinapakita ng kwentong ito na gusto tayong pagpalain ng Diyos kahit nasaan man tayong sitwasyon, at anuman ang mga maling desisyon na nagawa natin. Pwede nating matagpuan ang Diyos sa gitna ng pinakamahihirap na sandali ng buhay natin. Sa pinakamadilim na bahagi ng buhay ni Jacob, noong tumatakbo siya para iligtas ang sarili niya, dumating ang Diyos at sinamahan siya. Siniguro sa kanya na sasamahan at pagpapalain siya ng Diyos sa kanyang walang-katiyakang paglalakbay.

Napakalakas ng mensaheng ito para sa atin ngayon. Gusto ng Diyos na ibuhos ang Kanyang mga pagpapala sa atin. Karapat-dapat palagi tayong makatagpo ang Diyos at makatanggap ng Kanyang basbas. Sa mga pinakamababang punto ng buhay natin, kasama natin ang Diyos. Gusto Niya tayong kausapin at gabayan—na kung minsan ay nambubulabog sa nakasanayan nating buhay—para tulungan tayong mapunta sa mas mabuting kalagayan.

Mga Pangunahing Kaisipan

  • Palaging gumagawa ng paraan ang Diyos para maranasan natin ang Kanyang banal na presensya.
  • Maaaring nakagawa tayo ng mga maling desisyon na nagdala sa atin sa mahirap na sitwasyon, pero gusto pa rin ng Diyos na magkaroon ng relasyon sa atin.
  • Karapat-dapat tayo sa presensya at pagpapala ng Diyos. Kasama natin Siyang nakatayo ngayon.
  • Kapag hindi natin alam ang mangyayari sa kinabukasan, gusto pa rin tayong pagpalain ng Diyos.

Mga Tanong para sa Tagapagsalita

  1. Bakit kaya gustong-gusto ng Diyos na magkaroon ng ganitong uri ng relasyon sa atin?
  2. Sino sa iyong kongregasyon at sa iyong komunidad ang gustong samahan at pagpalain ng Diyos ngayon?
  3. Saan ang iyong "banal na lugar" (holy place)—ang lugar kung saan masasabi mo na, “Tunay na nandito ang Panginoon sa lugar na ito”?
  4. Saang banal na lugar ka inaanyayahan na makaranas at magsabing, “Tunay na nandito ang Panginoon sa lugar na ito—at hindi ko man lang alam” (Genesis 28:16)?

Tuesday, July 7, 2026

Come and Listen

 

Umaykayo ket Dumngeg
Genesis 25:19-34; Psalm 119:105-112; Romans 8:1–11

Mateo 13:1-9, 18-23

1-9

1Iti dayta met la nga aldaw, pimmanaw ni Jesus iti balay, ket napan nagtugaw iti igid ti dan-aw tapno mangisuro. 2Gapu ta adu unay ti tao nga immaribungbong kenkuana, limmugan iti bangka sa nagtugaw. Nagtakder dagiti tattao iti sang-at. 3Insursurona ida kadagiti adu a bambanag babaen iti pangngarig.

Kinunana: “Adda maysa a tao a napan nagpurruak iti bukel. 4Idi agpurpurruak, nagdisso ti sumagmamano a bukel iti igid ti dalan ket tinuktok dagiti tumatayab. 5Adda met sumagmamano a bukel a nagdisso iti kabatoan a bassit laeng ti dagana. Gapu ta narabaw ti dagana, nabiit a nagtubo dagiti bukel. 6Idi makatangkayagen ti init, nalaylay dagiti apagtubo a mula ket nagangoda a dagus agsipud ta di unay nakauneg dagiti ramutda. 7Nagdisso met ti sumagmamano a bukel iti nagtuboan dagiti siitan a mula a dimmakkel ken nangleppes kadakuada. 8Ngem nagdisso ti dadduma a bukel iti nadam-eg a daga, ket nagdawada: adda nagdawa iti sangagasut, adda met innem a pulo ken adda pay tallopulo.”

9Inggibus ni Jesus, “Dumngeg ngarud ti siasinoman nga addaan pannakaawat!”

18-23

18“Denggenyo ngarud ti kaipapanan ti pangngarig maipapan iti agmulmula:

19“Dagiti dumngeg iti sao maipapan iti Pagarian ngem dida maawatan, mayarigda iti bukel a nagdisso iti igid ti dalan. Umay ti Managdakdakes ket rabsutenna ti naimula kadakuada. 20Ti bukel a nagdisso iti kabatoan iladawanna dagiti tattao a siraragsak nga umawat iti mensahe apaman a mangngegda. 21Ngem saan nga umuneg ti sao kadakuada ket saanda nga agbayag. Isut' gapuna a maupayda a dagus no dumteng ti rigrigat ken pannakaidadanes gapu iti sao. 22Ti bukel a nagdisso iti kasisiitan iladawanna dagiti nakangngeg iti sao. Gapu kadagiti pakaringgoran iti daytoy a biag ken ti panagagum iti kinabaknang, lineppesda ti sao ket dida agbunga. 23Ti bukel a naimula iti nadam-eg a daga iladawanna dagiti dumngeg ken makaawat iti sao ket agbungada; adda makaibunga iti sangagasut, adda makainnem a pulo ket adda pay makatallopulo.”                                                                 

China-challenge ng mga parabula kung ano na ang alam natin. Kapag nagkukwento si Jesus gamit ang mga parabula, pinag-iisip Niya tayo kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng maging bahagi ng kaharian ng Diyos. Hindi kailanman nagiging ayon sa inaasahan natin ang kaharian Niya; laging may elemento ng sorpresa. At hindi naiiba rito ang parabula ng naghasik. Ang kwentong ito ay makikita rin sa Lucas 8:5–8 at Marcos 4:3–9. Sa Ebanghelyo ni Mateo—pagkatapos ng mga kwento ng pagka-kontra o pag-oppose kay Jesus sa kapitulo 11 at 12—dito Niya ibinahagi ang parabula ng naghasik.

 

Sa pagtatapos ng Mateo kapitulo 13, tinanggihan si Jesus sa sarili Niyang bayan. Ang bersyon ni Mateo sa parabulang ito ay pwedeng magpaliwanag kung bakit may mga taong tumutugon sa mensahe ng magandang balita at mayroon namang hindi. O kaya naman, baka sinasagot nito ang tanong na, “Ano ba ang tamang sitwasyon o kondisyon para ibahagi ang mensahe ng Ebanghelyo?”

 

Ang naghasik ay pwedeng tumukoy sa guro, sa pastor, kay Jesus, o sa Diyos. Sa totoo lang, ang naghasik ay nagiging sinumang nagbabahagi ng magandang balita. Ang kakaiba rito, hindi muna inihahanda ng naghasik ang lupa bago magsabog ng buto. Hindi ito binubungkal o tinitingkab. Hindi alam ng naghasik kung nasaan ang mga bato o matitigas na kumpol ng lupa. Kung saan-saan lang din tumutubo ang mga damo at tinik. Hindi ang pagpili o pag-aayos ng lupa ang focus ng naghasik; sa halip, tinawag lang talaga siya para magsabog ng buto kahit saan at sa kahit kanino.

 

Ang buto sa parabulang ito ay tumutukoy sa mensahe ng Ebanghelyo. Ang nagiging bunga naman ay ang mga alagad na nakikinig at hinahayaang lumaki ang buto (ang salita ng Diyos) sa buhay nila. Kailangan ng lupa at tamang kondisyon para tumubo ang "buto." Apat na uri ng lupa ang inilarawan sa parabula: matigas, mababaw, matininik, at mabuti. Ang pagkakaiba-iba ng mga lupang ito ay paalala sa simbahan na may mga ideal na kondisyon na swak para sa pagpapalago ng mga alagad. Ang mga ideal na kondisyon na ito ang nagbibigay sa mga alagad ng tamang nutrisyon, malalim na ugat, at kakayahang magtiis sa gitna ng hirap. Inilalarawan din sa Ebanghelyo ni Mateo ang reyalidad ng maraming hadlang na kinakaharap ng mga alagad, kasama na ang pag-uusig (persecution), pag-aalala, at ang paghahangad na yumaman.

 

Sa dulo ng parabula, inilarawan ang makahimalang ani ng Diyos: “ang iba ay isandaan, ang iba'y animnapu, at ang iba'y tatlumpu” (Mateo 13:8). Noong unang panahon, ang itinuturing na magandang ani ay apat hanggang sampung beses lang ng dami ng itinanim. Kung iisipin natin na hindi naman inihanda ang lupa at sa dami ng naging hadlang, nakakagulat na may naani pa nga! At baka 'yun nga talaga ang punto ng parabula: Nagbibigay ang Diyos ng napakalaki at masaganang ani na higit pa sa kaya nating isipin. Pwede tayong makaramdam ng kabiguan o madismaya kapag pakiramdam natin ay walang nakikinig sa atin, pero tinatawag tayo ng parabulang ito na patuloy lang maghasik ng salita ng Diyos, gaano man kabato o katinik ang sitwasyon.

 

Sa kabila ng mga hirap at pagkontra na kinakaharap natin bilang mga alagad ngayon, tinatawag tayo ng Diyos na maghasik ng buto kahit saan, at ipagkatiwala sa Kanya ang pagpapasibol at pag-ani. Hindi natin alam kung bakit nag-uugat ang salita ng Diyos sa ilang tao. Sinasabi sa atin ng Kasulatan na ang pananampalataya ay regalo mula sa Diyos. Ang tawag sa atin ay magsabog ng buto sa pinakamalawak at pinakamapagbigay na paraang kaya natin, at magtiwala sa makahimalang pagpaparami ng Diyos.

 

Mga Pangunahing Kaisipan (Central Ideas)

  • Tinawag tayong magbahagi ng magandang balita sa bawat pagkakataon, sa pinakamalawak, at sa pinakamatapang na paraang kaya natin. Hindi natin kailangang mag-alala kung gaano man kabato, katinik, o katigas ang mga lugar at sitwasyon; kailangan lang nating patuloy na ibahagi ang mensahe ng mapayapang kaharian ng Diyos.
  • May mga taong hindi tutugon ayon sa inaasahan natin. Kapag nangyari 'yon, binabalikan natin ang parabulang ito para mapalakas ang loob nating magtiwala sa pag-ani ng Diyos, at malaman na ang gawa ng Diyos ay nagdadala ng mga makahimalang resulta.
  • Bilang mga alagad, normal lang na makaranas tayo ng pag-aalala, kahirapan, at maging ng pagkontra. Habang patuloy tayong nag-aaral, lumalago, at nagbabago sa ating buhay, makakapagtiwala tayo sa regalo ng Banal na Espiritu na magbibigay sa atin ng pag-unawa, katatagan, at pananampalataya.

Mga Tanong para sa Tagapagsalita/Facilitator (Questions for the Speaker)

  1. Ano ang mga pinakamagandang kondisyon o sitwasyon para ibahagi ang magandang balita ng Diyos? Ano namang mga kondisyon ang nagpapabagal sa paglago ng kaharian ng Diyos?
  2. Ano ang pumipigil sa 'yo na magbahagi o "maghasik" ng magandang balita? Anong mga hadlang ang kailangan mong alisin para maging mas mapagbigay ka sa pagbabahagi mo sa iba?
  3. Kailan huling lubusang naitanim ang magandang balita ng mapayapang kaharian ng Diyos sa buhay mo? Sa komunidad mo? O sa buong mundo? Paano mo pinakikinggan at iniintindi ang magandang balita?
  4. Paano nakakaapekto sa paglahok natin sa mga Mission Initiative ang mensahe ng naghasik tungkol sa pagpapatuloy at hindi pagsuko?

Monday, June 29, 2026

Halika at Humanap ng Kapahingahan "Come and Find Rest (Be)"

 

Mateo 11:16-19, 25-30

16“Sa anong bagay ko maihahambing ang henerasyong ito? Katulad sila ng mga batang nakaupo sa plasa na nagrereklamo sa kanilang mga ibang kalaro:

17‘Tinugtugan namin kayo ng tugtuging pangkasal, ngunit hindi kayo sumayaw! Umawit kami ng awit ng pagluluksa,ngunit hindi kayo umiyak!’

18Sapagkat nang dumating dito si Juan, nakita nilang nag-aayuno siya at hindi umiinom ng alak, kaya sinabi nila, ‘Sinasapian siya ng demonyo.’ 19Nang dumating naman ang Anak ng Tao, nakita nilang kumakain siya at umiinom, at sinabi naman nila, ‘Ang taong iyan ay matakaw at lasenggo, at kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng iba pang makasalanan.’ Ganoon pa man, ang karunungan ay napapatunayang tama sa buhay ng mga taong tumanggap nito.”

25-30

25Nang oras ding iyon, sinabi ni Hesus, “Pinupuri kita Ama, Panginoon ng langit at lupa, dahil inilihim mo ang mga katotohanang ito sa mga taong ang akala sa sarili ay marurunong at matatalino, at ipinaalam mo sa mga taong tulad ng bata sa kaalaman. 26Oo, Ama, dahil iyon ang kalooban mo.

27“Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang mga taong nais ng Anak na makakilala sa Ama.

28“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. 29Sundin ninyo ang mga utos ko at matuto kayo sa akin, dahil ako ay maamo at may mababang-loob. Makakapagpahinga kayo, 30dahil madaling sundin ang mga utos ko at magaan ang ipinapagawa ko."

Pag-unawa sa Kasulatan

Nagsimula ang talata kung saan ipinapakita ni Hesus ang mga pagkumpara ng mga tao sa Kanya at sa mga sinasamahan Niya. Parang sinasabi na nga ni Hesus na pagod na Siyang mapagbintangan dahil lang sa "guilt by association" (o nadadamay sa husga ng iba). Sa tugon Niya, sinabi Niya sa mga tao na patuloy na umaabot ang Diyos sa kanila sa pamamagitan ng pagpapadala ng iba't ibang uri ng mensahero. Si Juan nga, na mahilig mapag-isa, ay tinawag nilang mapagbukod o "recluse." Si Hesus naman na nakikihalubilo sa mga tao, inirereklamo pa rin nila na dapat daw iba na lang ang pinili Niyang samahan. Ibang mensahe ang gustong pakinggan ng mga tao, at iba namang mensahe ang ibinabahagi ni Hesus; kaya pinagtawanan Siya ng mga tao dahil ang mensahe Niya ay salungat sa nakasanayan ng kultura nila.

Habang nagpapatuloy ang talata, biglang nagbago ang mood ni Hesus. Marahil naisip Niya na hindi mo talaga mapapapasaya ang lahat, kaya nagpasalamat na lang Siya sa Diyos para sa mga taong handang ibigay ang lahat para sa kaharian ng Diyos. Siya ang pastol—ang gabay—na nag-aanyaya sa mga tao na lumapit sa Kanya, sa isang lugar kung saan maaari silang magsimulang magtiwala, at sa ganoong paraan ay makilala ang Diyos. Nararamdaman Niya ang bawat pangangailangan ng tao, pero ang mensahe Niya ay hindi tungkol sa pagbibigay ng lahat ng kahilingan natin.

Madalas nating napababayaan ang ating "spiritual journey" o buhay-pananampalataya dahil sa mas mabibigat na prayoridad sa buhay. Sa bahaging ito ng talata, inaanyayahan ni Hesus ang mga nakikinig sa Kanya—pati na tayo ngayon—na baguhin ang tingin natin sa kung ano ba talaga ang mahalaga. Ang paanyaya Niya ay, “Lumapit kayo sa Akin.” Espesyal na kinakausap ni Hesus ang mga taong pagod na pagod sa trabaho at may mabibigat na pinapasan. Sa karamihan ng tao noong araw na iyon, may mga mahihirap na karanasan sa matinding hirap sa ilalim ng politikal at relihiyosong pang-aapi. Inanyayahan sila ni Hesus na makipamatok sa Kanya (o makiisa sa Kanya) upang makahanap ng ginhawa at kapahingahan.

Ang pagiging handang makiisa kay Hesus ay nangangailangan ng pagpapakumbaba at pagiging bukas sa bawat tao sa Diyos. Binubuksan nito ang pang-unawa na ang bawat isa ay nakalaan para sa mga layunin ng Diyos sa kanilang buhay. Para magawa iyon, kailangan muna nilang mapalaya sa araw-araw na pang-aapi na kanilang dinaranas, kaya dalawang beses silang inanyayahan ni Hesus na magpahinga—para sa kanilang pisikal na pangangailangan at para sa kanilang kaluluwa. Ang bersikulo 28 ay isang paanyaya sa kapahingahang pang-Sabbath, ang uri ng pahinga na naglalagay sa isang tao sa landas ng paggaling. Sa pahingang iyon, mararanasan nila ang kalayaang iniaalok ni Kristo.

Ang talata natin ngayon ay nagpapaalala sa atin ng pagiging tao ni Hesus habang ipinapakita Niya ang Kanyang pagkabigo sa kawalan ng pang-unawa ng mga tao, at pagkatapos ay ang Kanyang biyaya habang tinatanggap Niya ang mga tao na lumapit sa Kanya. Madalas din tayong kulang sa pag-unawa, pero tinatanggap pa rin tayo ni Hesus na bumalik nang may pagyakap Niya. Nawa'y makatagpo tayo ng kaaliwan, kapayapaan, at lakas habang lumalapit tayo kay Hesus sa araw na ito.

Mga Pangunahing Kaisipan (Central Ideas)

  • Kulang sa pag-unawa ang mga tagasunod ni Hesus sa Kanyang mensahe. Madalas din nating hindi nakukuha ang gusto Niyang sabihin.
  • Pero dahil sa Kanyang biyaya at habag, patuloy pa rin tayong inaanyayahan ni Hesus na ipasa sa Kanya ang lahat ng ating mga alalahanin at problema upang makatagpo tayo ng kapahingahan.
  • Ipinapaalala nito sa atin ang pagiging tao ni Hesus, pati na rin ang Kanyang biyaya, awa, at pagmamahal sa atin—na kung saan lumalapit tayong pagod at may mabibigat na pasanin, ngunit aalis tayong puno ng kapayapaan at pag-ibig.

Mga Tanong para sa Tagapagsalita (Questions for the Speaker)

  1. Ano-ano ang mga pagkakataon na pinigilan mo ang sarili mong magpahinga, kaya sa huli ay naramdaman mo na lang na pagod na pagod ka na?
  2. Sa paanong mga paraan ka naman nakapagpahinga sa piling ng Diyos, at naramdaman mong buhay na buhay ang iyong espiritu sa Kanya?
  3. Ang talatang ito ay tungkol sa pagbibigay-buhay sa ating mga kaluluwa; ano ang maaari mong gawin para makatulong na magbigay-buhay habang naglilingkod ka kasama si Hesus?
  4. Ang talatang ito ay tungkol din sa pagtitiwala. Paano mo ipinakita ang iyong pagpapakumbaba at pagiging bukas sa Diyos sa iyong ministeryo ngayong linggo?

Monday, June 22, 2026

Lumago Kay Kristo (Grow in Christ)

Romans 6:12-23

12Huwag na ninyong paghariin ang kasalanan sa inyong katawang namamatay, upang hindi na ninyo sundin ang masasamang hilig nito. 13Huwag na ninyong gamitin ang alinmang bahagi ng inyong katawan sa paggawa ng kasamaan. Sa halip, ialay ninyo ang inyong sarili sa Diyos bilang mga taong binigyan ng buhay. Ilaan ninyo sa Diyos ang inyong katawan sa pamamagitan ng paggawa ng nararapat sa kanyang harapan. 14Sapagkat hindi na dapat maghari pa sa inyo ang kasalanan, dahil wala na kayo sa ilalim ng Kautusan kundi nasa ilalim na ng biyaya ng Diyos.

15Ngayon, dahil wala na tayo sa ilalim ng Kautusan kundi nasa biyaya na ng Diyos, nangangahulugan bang magpapatuloy pa rin tayo sa paggawa ng kasalanan? Siyempre hindi! 16Hindi ba ninyo alam na alipin tayo ng anumang sinusunod natin? Kaya kung sinusunod natin ang kasalanan, alipin tayo ng kasalanan at ang dulot nitoʼy kamatayan. Ngunit kung sumusunod tayo sa Diyos, mga alipin tayo ng Diyos at ang dulot nitoʼy pagiging matuwid. 17Noong una, alipin kayo ng kasalanan. Ngunit salamat sa Diyos dahil ngayon, buong puso ninyong sinusunod ang mga aral na itinuro sa inyo. 18Pinalaya na kayo sa kasalanan at ngayoʼy mga alipin na kayo ng katuwiran.

19Ginagamit kong halimbawa ang tungkol sa mga alipin upang madali ninyong maunawaan ang ibig kong sabihin. Noong unaʼy nagpaalipin kayo sa karumihan at kasamaan, at naging masama nga kayo. Ngayon namaʼy magpaalipin kayo sa kabutihan upang maging banal kayo. 20Noong alipin pa kayo ng kasalanan, wala kayong pakialam sa matuwid na pamumuhay. 21Ano nga ba ang napala ninyo sa dati ninyong gawain na ikinakahiya nʼyo na ngayon? Ang dulot ng mga iyon ay kamatayan. 22Ngunit pinalaya na kayo sa kasalanan at alipin na kayo ng Diyos. At ang dulot nitoʼy kabanalan at buhay na walang hanggan. 23Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon.

Pag-unawa sa Kasulatan

Noong nakaraang linggo, pinag-aralan natin ang tungkol sa pakikibahagi sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus sa pamamagitan ng bautismo. Kasabay ng paglibing sa atin kasama ni Kristo sa tubig ng bautismo, namatay na rin tayo sa kapangyarihan ng kasalanan. Muli tayong bumabangon para sa isang bagong buhay, kung saan tayo ay “buhay para sa Diyos” dahil sa ating pakikipag-isa kay Kristo. Ngayong linggo naman, gagamitin ni Pablo ang simbolo ng mga alipin at sundalo para dalhin tayo mula sa teorya ng katwiran (justification) patungo sa praktikal na pagsasabuhay nito sa araw-araw.

Nagsimula siya sa pagpapakita ng kapangyarihan at kontrol gamit ang salitang “dominion” o pamamahala. Isipin ninyo na ang kasalanan ay parang isang pinuno na humihingi ng katapatan at pagsisilbi. Nakiusap siya sa mga tapat na mananampalataya sa Roma na huwag ibigay ang kanilang mga "bahagi ng katawan" (mga kakayahan, talento, at ninanais) bilang mga sandata para magsilbi sa kasalanan. Sa halip, dapat nilang ialay ang buong pagkatao nila sa Diyos para sa Kanyang mga layunin, sa pagkaalam na wala nang kontrol ang kasalanan sa kanilang buhay.

Sinasabi sa talata 14, “wala na kayo sa ilalim ng kautusan, kundi sa ilalim na ng biyaya.” Para sa isang Judio, ang pagiging “nasa ilalim ng kautusan” ay nagpapaalala sa batas ng mga Judio (Torah) at sa maraming interpretasyon at dagdag sa orihinal na Batas ni Moises. Pero marami sa mga miyembro ng simbahan sa Roma ay mga Hentil (mga hindi Judio). Para sa kanila, ang pagiging “nasa ilalim ng kautusan” ay nangangahulugang pagsisikap na sumunod sa iba't ibang batas ng lungsod, lipunan, at relihiyon. Para sa dalawang grupong ito, idinidiin ng batas ang sariling pagsisikap ng tao para maging perpekto at banal—isang gawaing walang katapusan. Hindi kapantay ng tao ang Diyos. Ang Diyos lang ang nagbibigay ng regalo ng biyaya na siyang susi sa matuwid na pamumuhay.

Pinalawak pa ni Pablo ang ideyang ito gamit ang larawan ng mga alipin. Pansinin na ang paghahambing dito ay hindi sa pagitan ng pagiging alipin at pagiging malaya, kundi sa pagitan ng dalawang uri ng pagkaalipin. Hindi tayo kailanman ganap na malaya. May pinagkakautangan tayo ng katapatan sa alinman sa dalawang Panginoon (Tingnan ang Mateo 6:24). Kanino ba tayo kabilang? Kanino ba naroroon ang ating katapatan at pagsunod? Ano ang laging laman ng ating isip at ano ang nagkokontrol sa ating paggastos?

Binigyang-diin ni Pablo na dumaan tayong lahat sa pagiging alipin ng kasalanan, kung saan sinusunod natin ang mga udyok at silakbo ng ating sirang katangian bilang tao. Ang resulta nito ay espirituwal na kamatayan. Ngunit sa pagbubukas ng ating puso sa mga turo ng Espiritu, tayo ay “pinalaya na mula sa kasalanan.” Ang mga kasalanang nagkokontrol sa atin ay hindi lang basta nabawasan, kundi tuluyan nang tinalo. Inilipat na natin ang ating pagsunod sa ibang Panginoon. Tayo ngayon ay mga “alipin ng katuwiran.” Ang katuwiran ay nangangahulugang pagkakaroon ng tamang relasyon sa Diyos dahil sa paggabay ng Kanyang biyaya at ng ating patuloy na pananampalataya.

Binuod ni Pablo ang magiging resulta sa isang salita: santipikasyon (pagpapakabanal). Noong mga alipin pa tayo ng kasalanan, wala sa atin ang inaasahang pagkakaroon ng tamang relasyon sa Diyos. At ang naging bunga nito ay kamatayan—magulong pamumuhay, sirang mga relasyon, pisikal na kamatayan, pagbagsak ng moralidad, at espirituwal na kamatayan. Ngayon, dahil pinatawad na tayo at pinatunayan sa pamamagitan ng pananampalataya, naging mga alipin na tayo ng Diyos. Ang resulta ay santipikasyon o pagpapakabanal—ang proseso ng patuloy na pagiging matuwid at banal, habang namumuhay tayo nang may sakramento base sa tipan na ginawa natin sa bautismo. Pinipili nating mamuhay nang banal hindi para makuha ang pagmamahal at pagtanggap ng Diyos, kundi bilang likas na bunga ng pagtanggap natin sa Kanyang biyaya at habag.

Ang ating mga kilos ang nagpapakita kung kanino tayo kabilang. “Ang kahahantungan nito ay buhay na walang hanggan” (talata 22) sa loob ng pagmamahal at biyaya ng Diyos, sa ating pang-araw-araw na buhay man o sa kawalang-hanggan. “Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon.” (talata 23)

Mga Pangunahing Kaisipan

  • Ang mga Kristiyanong pananaw sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus ay may malaking epekto sa ating moralidad at praktikal na buhay.

  • Alinman sa kasalanan o sa Diyos ang may kontrol at kapangyarihan sa ating buhay. Nasa atin ang pagpipili.

  • Ang pagiging malaya sa kasalanan ay nagbubunga ng tamang relasyon sa Diyos base sa Kanyang biyaya, pananampalataya, at pamumuhay na nakasentro sa sakramento.

  • Ang santipikasyon ay ang proseso ng mas pakikibagay sa Diyos, pagiging mas banal, at pagiging mas bukas sa pagkilos ng Espiritu.

Mga Tanong para sa Tagapagsalita / Nagbabahagi

  1. Kanino mo ibinibigay ang iyong katapatan? Ano ang patunay ng iyong sagot? Paano mo hinaharap ang nahahating mong katapatan sa iyong buhay?

  2. Paano nauugnay ang santipikasyon sa ating pananaw sa pamumuhay na may sakramento? Alin ang nauuna?

  3. Anong makabagong paglalarawan ang ipapalit mo sa mga sinaunang simbolo ng pagkaalipin sa usaping ito ng katapatan, debosyon, at mga panginoon o boss?

  4. Paano naaapektuhan ng bahaging ito ng Kasulatan ang iyong pagkaunawa sa misyon ni Kristo at sa pag-asa ng Kanyang kaharian?

When Relationships Are Tough

  Additional Scriptures  Psalm 105:1-6, 16-22, 45b; Matthew 14:22–33; Romans 10:5–15   Genesis 37:1-4, 12-28 1 Nagpaiwan si Jacob upang mani...